BIGLANG nakarinig si Lian ng isang pamilyar na awitin. Kumurap siya ng ilang beses. “s**t!” malakas na mura ni MJ saka nito mabilis na inalis ang kamay na nakapasok sa underwear niya. Bumangon ito saka bumaba ng kama. Nilapitan nito ang nighstand bago dinampot ang cellphone nitong umiilaw. Iyong kanta pala na naririnig niya ay ringtone ng cellphone ni MJ. Naglakad papunta sa balcony si MJ habang nakatapat sa tainga nito ang cellphone. Inayos naman ni Lian ang pagkakahiga. Mamayang alas-sais pa sana siya dapat gumising. Inistorbo lang ni MJ ang tulog niya. Hanep din ang lalaking ito! Ang galing mambitin! Nasa kasarapan na siya ng ginagawa nito nang bigla na lang…Napatakip ng kanyang bibig si Lian nang ma-realize kung ano ang tinatakbo ng kanyang isip. Napapikit na lang siya at pin

