Chapter 20 - By Your Side

1684 Words

EKSAKTONG matapos makipag-usap ni Lian sa isang kliyente nang pumasok si Vhickai. “Ma’am, may tawag po kayo galing sa mister ninyo. Hindi raw niya kayo matawagan sa cellphone ninyo tapos busy rin ang private line kaya tumawag po siya sa reception at nai-forward sa akin.” Tumatawag si MJ? Bakit kaya? “Mister ko ang tumatawag? Sigurado ka?” Tumango si Vhickai. “Yes, Ma’am. Iyon po ang sabi niya, mister n’yo raw po.” “Anong oras pa siya tumawag?” tanong ni Lian nang sundan palabas ang kanyang sekretarya. “Mga ten minutes ago yata, Ma’am.” Natapik ni Lian ang sariling noo. Ibig sabihin nito kanina pa tumatawag sa kanya si MJ. Hindi nito matawagan ang kanyang cellphone dahil na-lowbat ito at kasalukuyang nagtsa-charge. Nakalimutan din niyang buksan ito dahil biglang tumawag ang isang kl

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD