“KUMUSTA ka naman diyan?” nakangiting tanong ni Angelique. “Okay lang ako rito. Wala namang problema,” nakangiti ring tugon ni Lian. “Sigurado ka na wala kang problema?” “Oo naman. Bakit hindi ba kapani-paniwala?” nagtatakang tanong ni Lian. Narinig ni Lian ang pagbuntunghininga ni Angelique. “Hindi naman sa gano’n. Pero nag-aalala lang kasi ako sa iyo. Hindi ba nagdududa ang asawa mo sa iyo?” “I don’t think so. Ibang tao ang tingin at turing niya sa akin.” Naikuwento na ni Lian kay Angelique iyong mga nangyari sa kanya noong unang nagkaharap sila ni MJ. Nasabi na rin niya rito iyong aksidenteng nahalikan siya nito. Araw-araw kasi siyang nagmi-message dito kaya alam nito ang nangyayari sa kanya. Pero ngayon lang sila nagkausap sa video call. “Hay, naku! Manhid talaga ang asawa mo.

