Chapter 28 - You're All I Want

2468 Words

“HI! GOOD evening!” masayang bati ni MJ pagpasok niya sa opisina ni Lian. Naabutan niya itong nakatutok ang tingin sa laptop nito. “Oh, hi! Ang aga mo naman yata ngayon,” nakangiting saad ni Lian nang lumingon ito saka tumayo at sinalubong siya ng yakap. “Hey! Na-miss mo ako?” natatawang tanong niya rito nang humigpit pa ang pagkakayakap nito sa kanya. “Oo naman. Maghapon tayong hindi magkasama, eh. Saka mamaya mami-miss uli kita.” Napakunot ang noo ni MJ sa sinabi ng asawa. “Just what do you mean by that?” “Wait, I’ll explain,” sagot ni Lian nang humiwalay ito sa kanya. Hinila siya nito papunta sa sofa. “Nakita mo ba si Vhickai sa labas?” Umiling siya. “Hindi kaya dumiretso na ako dito sa office mo.” “Baka nasa CR na naman iyon at umiiyak,” nagpapalatak na sabi ni Lian. “Bakit?

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD