NANG mga sumunod na araw, nagkaroon na sila ng routine. Tuwing umaga ginigising ni MJ si Lian para sabay silang maliligo. Pero hindi lang ligo ang ginagawa nilang dalawa kaya inaabot sila ng isang oras sa banyo. Pagkatapos nilang kumain, hindi na pumapayag si MJ na hindi siya ang maghatid kay Lian sa trabaho niya. Pagdating ng tanghali, nagbi-video call sila habang sabay na kumakain. Napo-postpone lang ito kapag may lunch meeting ang isa sa kanila. Sa uwian ay sinusundo na naman ni MJ si Lian para sabay silang maghapunan. Sabay din silang maliligo pagkatapos kumain. Kapag nakalabas sila ng banyo, ibang hapunan naman ang aatupagin nila. Hindi sila masyadong nagpupuyat kapag weekdays pero kapag weekends tanghali na sila madalas lumabas ng kuwarto. May mga pagkakataon din na namamasyal s

