CINTHA "Kahawig mo talaga ang anak ni Ma'am Eleonor lalo siguro kung mahaba ang buhok mo at maputi ka ng konti. Pwede nga kayong kambal o magkapatid,," komento ni Nurse Lyn habang sinusuklayan ang buhok ko na napatuyo na sa hair dryer. Matapos maligo, pinapunta ako ni Eloise sa kuwarto ni Nurse Lyn para maayusan. Doon na rin daw nakikiligo si Didang dahil sa request ni Eloise. Naalibadbaran na siguro ito sa presensiya namin ng kaibigan ko. Mabuti na lang at mabait si Nurse Lyn. Palangiti ito at ‘di gaya ni Eloise na parang nandidiri sa ami at mababang uri ng nilalang. "Mabait po ba siya?" tanong ko. "Hindi ko na siya naabutan pero magaganda lang ang naririnig ko sa kanya. Sabi talented daw at matalino. Kung 'di lang siya nakasama sa lumubog na ferry, natuloy sana siya na mag-aral s

