Cintha Nakatulala ako sa dami ng nakain. Hindi ko alam kung paano nagkasya ang pagkain sa tiyan ko pero parang sasabog na iyon. “Kumain ka pa,” untag sa akin ni Sir Basilio. Umalis sa tabi ko si Madam Eleonor dahil gagamit ito ng restroom. “May leche plan pa sila na ise-serve.” Umiling ako. “Hindi ko na po talaga kaya. Parang kahit bukas po ako hindi kumain, busog pa rin po ako.” “Akin na lang ang leche plan mo,” ungot ni Didang na mukhang walang balak na tumigil sa pagkain. Ito na nga ang kumain ng isang lobster. Habang sina Eloise at Timothy ay parang ibon kung kumain at pakonti-konti lang ang subo habang nagkukwentuhan. Ganoon siguro ang mga mayayaman, tipid lang sa pagkain kahit marami naman ang makakain. “Magpapa-serve ako ng hot tea,” sabi ni Sir Basilio at umorder ng tsaa. P

