Cintha Nanlaki ang mga mata ni Sir Basilio. “Nagkita kayo ni Eleonor?” “Nakita niya sa simbahan si Cintha at hinabol kami. Mabuti na lang nakapagtago kami kaya hindi niya kami nahanap," kwento ni Tiya Mira na bakas ang iritasyon sa mukha. "Ang alam pa rin ng asawa mo, si Cintha ang anak mong namatay na." "Paggising ko kanina, nasa simbahan na sila. Hindi ko naisip na baka makita niya si Cintha," paliwanag ni Sir Basilio. Matindi ang pag-aalala ko sa pamilya ko lalo na ang takot ni Jonard na basta na lang akong kunin ni Madam Eleonor mula sa kanila. Nabasag na ang ilusyon ng pinsan ko na magiging masaya at maayos ang buhay ko dahil anak ako ng mayaman. Hindi ganoon kasimple ang buhay ng isang Valuarte. Parang walang katiyakan ang magiging posisyon ko sa pamilya. Humalukipkip si Tiya Mi

