CINTHA Nahihiyang ngumiti si Sir Basilio at napansin ko ang pagkailang sa may kasungitang tanong ni Tiya Mira. "Pasensiya na kung pumunta ako ng walang pasabi. Nagdala ako ng miryenda ninyo.” At itinaas niya ang paper bag na naglalaman ng pagkain. “Mukha ba kaming hindi makakabili ng pagkain?” tanong ni Tiya Mira na magkasalubong ang kilay. Saglit na natahimik si Sir Basilio. ‘Di marahil niya inaasahan na mamasamain ni Tiya Mira pati ang pagdadala niya ng pagkain. "Hindi iyon ang ibig kong sabihin. I know you hate the sight of me. Gusto ko sanang makausap kayo ni Cintha. You know how important it is to talk to her. Marami akong gustong sabihin sa kanya.” Mukhang sa harap pa ng mga kapitbahay planong magpaliwanag ng tatay ko at hindi man lang napansin ni Tiya Mira na nakatutok ang mga

