Timothy It was painful enough to lose someone, especially when there were regrets. When Dara died, I had my regrets, too. Alam ko na kahit si Tito Basilio, may pinagsisihan din sa pagkawala ni Dara pero hindi ganito katindi. Sinisisi nito ang sarili hindi lang sa masasamang nangyari kay Cintha at sa nanay nito kundi maging sa pagkamatay ni Dara at sa pagkawala ng katinuan ni Tita Eleonor. Hinaplos ko ang likod ni Tito Basilio. Sa mga oras na iyon, marahil ay gumuho ang mundo nito. I don’t know either if any kind words can console him. “Tito, wala na po kayong magagawa sa nakaraan. That’s over. At sigurado ako na hindi ninyo kasalanan ang nangyayari kay Tita Eleonor o ang pagkamatay ni Dara?” “But what if it’s still my fault? Paano kung karma ko ito?” “May pagkakataon na po kayo na itu

