Cintha Napabalikwas ako bangon nang makarinig ng sunud-sunod na katok sa pinto at pagtawag sa pangalan ko. “Cintha, gumising ka diyan! Labasin mo kami.” Akala ko noong una ay nananaginip lang ako. Kasarapan pa ng tulog ko dahil pasado alas dose ng hatinggabi na ako dinalaw ng antok. Hindi ako pinatulog nang malaman ko na si Sir Basilio pala ang tatay ko na nang-iwan sa nanay ko. Akala ko sa teleserye lang nangyayari ang gano’ng klaseng drama. Sa totoo lang, ‘di ko naman trip ng mga madadramang eksena. Oo, ipinanganak ako na walang nanay at tatay. Oo, lumaki ako na mahirap. Sa halip na malungkot sa kahirapan ko o maghanap ng tatay na ‘di ko kilala, nag-focus ako sa mga bagay na kaya kong kontrolin gaya ng pagtatrabaho at pag-aaral na mabuti. Ngayong may tatay ako na biglang sumulpot at

