Cintha Hindi agad ako nakasagot sa tanong ni Kirby. Sumubo muna ako ng tinapay at lumagok ng kape habang iniisip kung ano ba ang tamang isagot sa tanong na iyon. Kagabi pa iyon inaalala ng tiyahin ko kahit na hindi magsalita si Tiya Mira. Ang sagot sa tanong na iyon ang babago hindi lang sa buhay ko kundi sa mga taong nakapaligid sa akin. “Di ko pa alam. Kagabi ko lang nalaman kung sino ang tatay ko. Naguguluhan pa nga ako. Parang ‘di totoo.” Huminga ako ng malalim at dinama ang init ng mug sa mga palad ko. “Kasi buong buhay ko, wala akong tatay. Sanay na ako ng gano’n. Sanay na rin akong maging mahirap. You can’t miss what you don’t have, sabi nga nila.” “Pero meron namang naghahanap ng magulang nila kahit na may sama ng loob sila at iniwan sila. Bakit hindi ka gano’n? Parang hindi ka

