CHAPTER TWENTY-TWO - Ihanda ang sarili

1386 Words

Cintha Napapitlag ako nang biglang pumitik na daliri sa harap ko. “Cintha, ayos ka lang ba?” tanong ni Tiya Mira. “Ano po iyon?” tanong ko at ilang beses na kumurap.   “Kanina ka pa tulala at parang wala sa sarili. Ano bang nangyayari sa iyo?” nag-aalalang tanong ni Tiya Mira.  Nasa mesa kami at nag-aagaha pero halos ‘di ko nagagalaw pa ang pagkain ko dahil lutang pa ang pakiramdam ko. Papasikat na ang araw nang magtapos kaming magkwentuhan nina Didang at Kirby. ‘Di na ako nakatulog pagkatapos dahil naglinis na ako ng bahay at nagpainit ng pagkain para sa agahan.  “Lutang ka, ate?” tanong ni Jonard at saka ko napansin nasa kanya na ang pakpak ng manok na kagabi ko pa itinatabi para sa agahan. “O! Bakit nasa iyo na iyan?” tanong ko. Nasa plato ko na ang manok kanina.  Ngumisi siya. “

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD