Cintha Bahagya kaming nagitla nang magsalita ang babaeng naka-duster na bulaklakin at may rollers pa ang buhok na may hawak na walis tingting. Si Aling Marites iyon. Kung mahiyain ang ibang kapitbahay na magtanong at malamang ay pabulong-bulong lang, iba si Aling Marites. Siya ang leader ng mga tsismosa sa barangay kaya naman malakas ang loob na magtanong at mag-usisa. Sa totoo lang, tahimik na tao ang tiyahin ko. Sa dami ng trabaho niya, wala siyang oras para makipag-tsismisan at makisagap sa buhay ng iba. Marunong makisama ang tiyahin si Tiya at wala siyang sinasabing masama sa iba. Pero kahit na wala siyang isyu sa ibang tao, mukhang ‘di kami makakatakas sa bagsik ni Aling Marites. “Walang sasagot sa inyo. Tuwid lang ang tingin,” bulong ni Tiya Mira sa akin bago nakangiting bumal

