CHAPTER TWENTY-FOUR - Calm before the storm

1163 Words

Cintha Hindi ko alam na nagsimba rin pala si Madam Eleonor. At sa itsura ng mukha ni Eloise, hindi niya nagustuhan ang presensiya ko. Alam ko naman na mainit ang dugo niya sa akin at akala mo aagawan ko lagi ng atensiyon sa tiyahin niya. Ayoko nga silang makita lalo naman ngayon na alam ko nang si Sir Basilio ang tatay ko.  Mabuti na lang at wala si Sir Basilio doon dahil hindi pa ako handang makita siya. ‘Di rin ako komportable na doon pa kami magkita. ‘Di ko alam kung alam na ni Madam Eleonor na anak ako ng asawa niya. Mukhang hindi pa. Hanggang ngayon Dara pa rin ang tawag niya sa akin. Ayoko na lang isipin kung ano ang mangyayari kung malalaman ni Madam Eleonor ang totoo. Pero sa ngayon, mas mabuting umiwas muna ako.  Bigla  kong iniwas ang tingin at hinatak sina Tiya Mira at Jonard

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD