Timothy Awtomatiko kong hinawakan ang braso ni Tita Eleonor para pigilan na pumunta sa kuwarto ni “Dara”. “Tita, huwag na po.” She has a puzzled look on her face. “Why? My daughter needs me.” “She doesn’t want to be bothered,” salo naman agad ni Eloise. “Hindi nga po siya sumama kanina na mag-swimming kasi mas gusto daw po niyang magpahinga. Marahang umupo si Tita Eleonor na may lungkot sa mukha. “Ganoon ba talaga kapag independent na? She must be used to living alone in Korea and she’d rather suffer in pain? Ano pa ang silbi ko bilang nanay niya if I can’t comfort my daughter? Napansin ko kahapon sa dinner natin parang malayo ang loob niya sa akin. Even her prank was not funny. Ayaw na ba niya akong maging nanay?” Naalala pa pala ni Tita Eleonor ang tungkol sa nangyari kahapon kay

