Parang pinupukpok ng martilyo ang ulo ko nang magising. Akala ko noong una, may construction na nagaganap sa malapit at nagtaka pa ako nang nasa ‘di ako pamilyar na kuwarto. “Di bukas ang aircon pero may malamig na hanging pumapasok mula sa bukas na bintana na capiz at hinihipan ng hangin ang puting kurtina. Parang panahon ako sa panahon ng Kastila dahil sa capiz na bintana kundi ko lang nakita ang LED TV na nakasabit sa dingding. Naririnig ko ang hampas ng alon sa batuhang beach.
Saka ko naalala na kuwarto ko iyon sa resort ng Ninong Robert ko, ang La Playa Resort, at isang linggo akong magbabakasyon doon. Matapos ang ilang buwan na pagpupuyat at pagpapagod para maka-graduate ng junior high school. Kailangan ko ang bakasyon na iyon dahil may mga special skills lessons pa na ihinanda sa akin ang parents ko para i-prepare ako sa future ko.
While vacation was relaxing for other people my age where they can be idle for two months and literally do nothing, it was different for me. Wala pa man ako sa senior high, dapat daw updated na ang skills ko.
I’m only seventeen but I feel like I’m already in my twenties.
Napaungol ako at dumapa saka isinubsob ang mukha sa unan. Gusto ko na lang maghapong itulog ang sakit ng ulo. I really need to sleep and I deserve it. Maybe the one knocking at the door would eventually go away and leave me alone if I’ll just pretend to be asleep.
Pero walang balak tumigil ang kumakatok. It became insistent even. Mas dumalas ang katok nito at sinamahan pa ng pagtawag sa akin, "Timothy! Hey! Wake up now and open the door! Timothy!"
Nang marinig ko ang makulit na boses na iyon, alam kong hindi na rin ako makakabalik sa pagtulog dahil 'di ako tatantanan ng nasa kabilang pinto.
"Wait! Stop knocking, will you?" sigaw ko.
"Not until you open the door."
"Ang kulit," usal ko. Gumulong ako ng kama para makababa at kailangang humawak sa dingding at muwebles para makarating sa pinto nang hindi gumagapang o natutumba. Binuksan ko ang pinto. "Now what?"
"Good morning!" masayang bungad sa akin ng kaibigang si Eloise at itinaas pa ang dalawang kamay. "How's your sleep?"
"Well, you interrupted it. You are too loud," angal ko at sumandig sa hamba ng pinto. "Sumakit ang ulo ko."
Namaywang ito. "Well, forgive me for cutting off your sleep. Hindi na nga kita binulabog para sa sunrise watching. You missed the view."
"Nah! Baka ako lang ang maging subject ng vlog mo. Mas sumikat pa ako sa iyo."
Eloise has that idol look. Madalas nga itong mapagkamalan na Koreana o Intsik dahil sa tsinita nitong mga mata, naka-ponytail tuwid na tuwid na buhok, at maliit na mukha. Her skin is as white as milk. She also had a button nose at makipot ang labi nito. Payat din ito at mukhang maliit tingnan pero 5’5” ang tangkad nito. She just loves wearing cute dresses like the floral off-shoulder blouse and denim tattered shorts she was wearing.
We have been classmates since first year high school. Nitong nakaraang dalawang taon kami mas naging malapit sa isa't isa. O mas tamang sabihing mas naging makulit siya.
Papasok na kami sa senior high ng Multiple Intelligence Academy. Gaya ko, marami ring naka-line up na summer activities si Eloise. She was training to be an international pop idol and would be launched soon. At sa bakasyon nilang iyon, plano daw nitong simulan na mag-vlog para makapag-build ito ng sarili nitong fanbase.
Pero ayokong maging subject ng vlog nito. I hated the limelight. Mas gusto ko ng tahimik na buhay at malayo sa mata ng publiko. Most of the time, I just wanted to be alone. Pero walang balak si Eloise na bigyan ako ng katahimikan. She won't leave me alone. And most of the time, her presence annoyed the hell out of me. Ayoko lang sabihin dahil ayokong ma-offend siya. She was still a good friend. Ako lang ang may problema.
"Ang yabang! Hinahanap ka ni Tita Eleonor kanina pa. Nag-enjoy siya sa sunrise watching. 'Di ka ba nag-alarm?
"Seriously, masakit talaga ang ulo ko."
Kasama namin ang guardians nito dahil 'di makakasama ang parents ko. They were on a vacation in Europe. It was their second honeymoon and the only schedule they got to be together. Matagal na ring 'di nakakapagsolo ang mga magulang ko at wala sa plano nila na isama ako sa Europe.
Sa halip na i-cancel ang reservation sa resort ng ninong ko sa Lobo, Batangas, isinama ko na lang ang guardians ni Eloisa na sina Tito Basilio at Tita Eleonor. They were like my parents. At 'di na bago na makasama ko silang magbakasyon dahil laging abala ang mga magulang ko na parehong negosyante at nasa biyahe madalas. Ilang taon na ring hindi nakakapag-beach ang mga ito gaya ko. Kaysa magmukmok sa bahay, I'd rather spend time with them, kahit pa nga beach ang huling lugar na gusto kong puntahan.
"Ano bang nangyari sa iyo? Bakit may buhangin ka sa buhok at damit?" tanong ni Eloise at pinagpag ang buhok ko at balikat. Naramdaman ko na may magalas sa balat ko. Buhangin nga.
"I… I'm not sure."
"Baka naman nalasing ka kaya ganyan ang nangyari sa iyo."
I scoffed. "Silly. I won't get drunk with a few glasses of fruit wine."
Masaya ang atmosphere sa dinner kagabi. Bukod sa masayang kwentuhan at kantahan, ipinatikim din ni Ninong Darwin sa amin ang produkto ng farm nito na fruit wine.
It was not my first time to drink wine. Wine tasting was also part of our social education. Bawal bentahan ng alak ang minor pero pwedeng uminom kapag kumakain at may kasamang nakatatanda na pwedeng pagkatiwalaan. Tumawag pa ang Ninong ko sa magulang ko para lang bigyan ako ng permiso na tumikim ng wine. And I never had a hangover before because I only drink in moderation.
I enjoyed the taste of the fruit wines, particularly the mango liqueur that had a not so sweet taste but had a smooth finish. Nakaka-relax ang kwentuhan at dahil parang juice lang, nakailang baso rin ako hanggang matapos ang hapunan.
Matapos ang dinner, inaantok na ako kaya tumuloy na ako sa kuwarto pero hindi ako makatulog. Nakailang biling-baligtad ako sa higaan, parang lutang ang pakiramdam, pero mailap ang tulog. Naisip ko na maglakad-lakad sa tabing-dagat baka sakaling makatulong sa akin ang simoy ng hangin at tunog ng hampas ng alon sa dagat.
However, walking down the beach made me feel sad and nostalgic. Beaches used to make me so happy. I love spending time with the view of the sea. I was happiest when I swim or sail with friends. Dalawang taon na mula nang huli akong mag-beach at tumapak ang paa sa dagat. I hated the sea for two years now. I still do. Kinuha nito ang isang taong mahalaga sa akin.
Mula noon, parang wala na akong dahilan para maging masaya dahil hindi ko na rin makikita ang kaibigan ko na nagpapasaya sa akin.
Nang mapagod, umupo ako sa batuhan at tumingala sa langit. Pinanood ko ang mga bituin. It somehow soothed me. I remember a woman looming over me. Dara. Her memories comforted me. I even hugged her and asked her not to let me go. Must be a dream. A good dream.
I never had a dream about Dara before. Even when I begged to see her and talk to her even for a while. Pero kanina nayakap ko siya at nakausap. She begged me to let her go but I didn’t. It must be the wine.
Hindi ko na maalala kung ano ang nangyari matapos iyon at kung paano ako nakabalik sa kuwarto ko. Nalasing ba ako at hindi ko man lang nilinis ang sarili ko bago ako natulog? Gano’n ba talaga ka-potent na mango wine para wala na akong maalala sa ginawa ko pagkatapos?
Whatever. At least I was safe. It was only Eloise’s incessant talking that was giving me a headache.
“So, what now? Kanina ka pa namin hinihintay sa lanai para mag-breakfast. Tapos ‘di ka pa pala ready. We are going on a trip to the farm and the lighthouse, remember?” nakapamewang nitong tanong at minulagatan ako ng mata.
“Give me five to ten minutes and I’ll follow you to the lanai,” sabi ko at ihinilamos ang palad sa mukha. “Just don’t rant much. Masakit talaga ang ulo ko.”
Huminga ito ng malalim. “Fine. Ten minutes.”
I just took a quick shower and brushed my teeth. It somehow made me feel more human and lessened my headache. Nagsusuot na lang ako ng T-shirt nang katukin ako ni Eloise.
“Hey! Your ten minutes are up!”
“Eloise, really, you’re not my mom,” I grumbled as I walked my way to the door.
Nakangisi na ito pagbukas ko ng pinto. “Well, I’m your best friend.” Umikot ang mga mata ko habang nilo-lock ang pinto. “I just want to spend more time with you. At gusto kong tiyakin na hindi ka magmumukmok sa kwarto mo maghapon.”
“I don’t like bossy people.”
Inangkla nito ang kamay sa braso ko. “Dara was bossy though and you let her boss you around.”
“Because Dara is the boss. Was the boss,” pagtatama ko sa sarili at nadama ko ang bigat sa dibdib ko. I can’t believe that I’m talking about my friend in past tense now.
Tumaas ang kilay ni Eloise pero bigla rin namang bumawi ng ngiti. “Well, Dara is not here anymore. Someone has to boss you around to keep you in line.”
Eloise used to be shy and sweet. Pero nang mawala si Dara, ito na ang pumalit at naging bossy. Mas makulit pa ito kaysa kay Dara. I just want to be left alone most of the time. Ayoko lang na palagi itong sitahin dahil mabuti pa rin siyang kaibigan sa akin.
“Good morning,” salubong na bati agad sa akin ni Tita Eleonor na tumayo pa sa kinauupuan para lang makalapit sa akin. Malaki na ang ipinayat nito, her skin was not as supple as before. She looked older and her eyes were dark.
“Good morning, Tita, Tito,” magalang kong bati at tinanguan si Tito Basilio na nagkakape habang nakatingin sa laptop nito. He was in his late thirties but the past two years made him look somewhat tired and worn out.
“Are you feeling better? Masakit daw ang ulo mo,” anang si Tito Basilio.
“Take a seat. I prepared seaweed soup for you. Maganda iyan sa hangover.” At inilapit sa akin ang bowl na may lumulutang na berdeng halamang dagat.
“Wala po akong hangover,” tanggi ko at umiling.
“Sabi ni Eloise,” sagot agad ni Tita Eleonor.
I gave her a sharp stare. Ngumisi lang ito at sumubo ng tocino. Alam nitong hindi ko siya kokomprontahin sa harap ng tiyahin at tiyuhin nito.
“Higupin mo na ‘yung sabaw. Sabi ko mga magpahinga ka muna pero itong si Eloise mapilit. Gusto kang gisingin,” sabi naman ni Tito Basilio.
“Salamat po sa soup.” Gumuhit ang mainit na sabaw sa lalamunan at sikmura ko. It was not so bad. Maanghang ang luya kaya nakontra ang lansa ng seaweed sa sabaw. “Di ko alam kung makakatulong iyon sa hangover ko. ‘Di ko gusto ang lasa. Lasang lumot-dagat pero seaweed nga pala ay lumot dagat. I won’t drink anymore. Masakit na sa ulo, kailangan ko pang humigop ng sabaw na lasang dagat para lang gumaling.
Malapit ako sa pamilya ng mga Valuarte. Kapitbahay ko sila mula pa noong Grade Three ako. Parang magulang ko na sina TIta Basilio at Eleonor dahil anak ng mga ito ang matalik kong kaibjgan na si Dara. Dahil abala sa trabaho ang mga magulang ko, madalas ako sa bahay nila na nasa kabilang street lang para daw ‘di ako malungkot. Hindi na bago sa akin ang pag-aalaga ng mga ito.
“Where’s Dara?” kaswal na tanong ni Tita Eleonor habang hinahati ang beef tapa na agahan nito.
“Tita?” nausal ko na naguluhan sa tanong nito.
“Baka nasa beach pa rin iyon. Alam mo naman ‘yung batang iyon hindi mo maaawat pag nakakita ng dagat. Gusto yatang maging sirena,” sagot naman ni Tito Basilio na nakangiti pa.
Nagsalubong ang kilay ni Tita Eleonor. “Hindi pa rin siya umaahon? Timothy, ikaw na nga ang sumundo sa kaibigan mo. Sabihin mo, iiwan na natin siya kung hindi pa siya magbabanlaw. She listens to you.”
“A-Ako po?” Napatingin na lang ako sa mga kasalo sa mesa. Bakit kung magsalita sila, parang kasama namin si Dara?: Habang tahimik lang si Eloise at hindi ako tinitingnan. “Tita, but Dara is…”
Dara is dead. She died of a sea mishap two years ago.