CHAPTER FIFTEEN - Basilio Valuarte

1763 Words

Cintha Hindi matapos-tapos ang pagkaway ni Didang nang ihatid sa harap ng bahay niya. “Salamat po, Sir Basilio! Dito lang po ang bahay namin kung gusto ninyong um-order ng huli ng tatay ko o kung hanapin po ako ni Timothy, my love.” Natatawa na lang si Sir Basilio nang isara ang pinto ng van. “Marami pa rin siyang energy. Parang hindi napapagod.” “Kaya nga po gusto kong kasama si Didang. Kahit na pagod na kami at mahirap ang buhay, lagi siyang masaya.” “Saan ka namin ihahatid?”  tanong ni Sir Basilio. “Sa susunod na kanto po.” Dapat maglalakad na lang ako pero ayaw akong payagan ni Sir Basilio. Gusto niya na ihatid ako sa bahay. Medyo madilim ang lalakarin namin ay wala siyang kasama pabalik ng van kaya nagpahatid na lang ako. Tumigil kami sa isang bakanteng lote malapit sa kubo namin

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD