Cintha Naghiyawan ang kabilang team at niyakap si Kirby. Alam ko naman na malaki ang posibilidad nila na maka-goal pero hindi ko inaasahan na ako pa ang magiging dahilan. “Goal para sa date!” sigaw niya nang maipasok ang bola at itinaas ang dalawang kamay. Nakangisi pa si Kirby nang lingunin ako. Isa na namang mapait na katotohanan na lamang sa amin ang kalaban. Lumapit ako sa ka-team ko na nalungkot din dahil sa goal. “Pasensiya na. Dahil sa akin kaya naka-goal si Kirby.” Ako na nga ang na-foul, hindi ko pa naharang ang free kick niya.” “Ate Cintha,huwag ka nang malungkot,” sabi sa akin ni Edong at pilit na ngumiti. “Isang goal lang naman iyan.” Ipinatong ni Josh ang kamay sa ulo ko. “Ayos lang ‘yan. Nagsisimula pa lang naman ang laro. Kaya pa nating humabol. Saka maganda ang pagkak

