MAHINANG pagsiko ang ginawa ni Ofelia kay Marga dahilan kung bakit waring nagising sa masayang pananaginip ang dalaga. Isang kiming ngiti ang iginanti nito kay Benjie; namumula ang magkabilang pisngi. Palihim din namang nagbungguan ng braso sina Joy, Edna at Raquel. Sila man ay sandaling natigilan pagkakita sa binatang nangingislap ang mga mata habang nakatitig sa kaibigan nila. Kinikilig din sila hindi lang sa dahilang guwapo ang binatang opisyal kundi... hinahangaan nila kung paano ito magmahal. Nakangiting binati ng binata ang tatlong dalagang bisita, at saka lumapit kay Ofelia upang magmano. "Kamusta po ang biyahe, Ninang? Hindi ba kayo nahirapan?" tanong nito ngunit kay Marga nakatingin. "Maayos naman. Dire-diretso ang biyahe kaya nakauwi agad kami. Kumain ka na ba?" Hindi na

