CHAPTER 53 - Pagsuko dahil kay Ofelia

1481 Words

NAKAPALIBOT na ang mga alagad ng batas sa bawat ng panig ng lumang bahay. Lahat ng maaaring lusutan at daanan ng nasa loob ay nahaharangan. Naroon na ang mga pulis-Maynila at ang Special Weapon And Tactics team. Nakapwesto na ang mga aasinta sa target kung tatangging sumuko at lalaban. Nagkakagulo ang umuusyosong magkakapitbahay at mga tagaroon nang malamang hostage ang nag-iisang apo ng kanilang kapitbahay. Lahat sila'y nagulantang sa balitang hindi sukat akalaing darating sa tahimik nilang lugar. Panay ang anasan; iba't iba ang espekulasyon at mga opinyon. Bawat isa'y may sariling pakahulugan sa nangyayari. Marami sa kanila ang naiinis at nagsasalita ng 'di maganda. Sinisisi si Aling Upeng sa pagpapatira ng isang kriminal. Ang iba naman ay naaawa sapagkat buhay ng apo nito ang nalalaga

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD