KINABUKASAN sa presinto. "Ayon dito sa sinumpaang salaysay ni Aling Ofelia, inamin niyang siya ang pumatay sa biktimang nagngangalang Anastacia Cordova," sabi ni Sarhento Wenceslao kasunod nang mabigat na paghinga. Nailing na lamang si Kabo Duarte. Alam nitong kailangan iyong gawin ng opisyal upang maibsan ang panlulumong nararamdaman. Hanggang sa mga oras na iyo'y batid nitong hindi pa rin isinusuko ng binata ang hangaring mailigtas ang suspek- ang dalagang nagugustuhan. May dala-dala itong dalawang tasang ang usok ay naghahatid ng mabangong aroma. "Magkape muna tayo Sir, pampagising. Mukhang pinuyat ka na naman ang kasong 'yan. Pahi-pahinga rin 'pag may time," biro nito. Nangiti ang Sarhento. "Salamat, partner." Hinigop ng binata ang kape sa tasa nang 'di inaalis ang tingin sa report

