NANG GABING 'yon sa lumang bahay. "Pinaghahanap na tayo ng mga pulis. Kailangan natin ng ibayong pag-iingat. Magpapalipas tayo, magpapalamig ng ilang araw. Wala na munang lalabas para walang makakita sa atin. May mapapakiusapan naman tayong bumili ng mga pangangailangan natin. Hindi natin problema ang pera, marami tayong ipon. Mabuti na lang at nakita ko agad ang lalaking 'yon, kundi ay... Huwag kayong mag-alala, siniguro kong hindi nila ako nasundan. Walang nakakaalam na dito tayo lumipat." Bahagya pa siyang humihingal habang nagpapaliwanag sa nahihintakutang mga kapatid. Itago man ang nararamdamang kaba sa harapan ng mga ito ay hindi iyon naikakaila sa balisa niyang pagkilos at tinig na pumipiyok. Butil-butil din ang pawis niya sa noo na ilang ulit man punasan ay nagkakaroon uli. Muli

