Naging maayos naman ang buong maghapon ko kahit wala nakong trabaho. Tinulungan ko nalang maglinis ng buong bahay si Inay. Si pakito naman ay tamang tulog tulog lang.
“Anak nakita mo naba ang nakatira diyan kila kumareng sioneng?" tanong ni inay na kinalingon ko habang nanood ako ng tv.
“Hindi pa nay , sino ?"
“Bakasyonista daw galing Maynila. Ang pagkakarinig ko ay kaibigan daw ng nobyo ni Honey"
Napatuwid ako sa aking pagkakaupo nang marinig ko ang pangalan ni Honey. Siya lang naman ang naging bestfriend ko simula bata pa. Kaklase ko siya nung elementary pati nung highschool. Madalas kami tuksuhin dahil nerd daw kami . Pero si Honey ay mahinhin at hindi palaaway, ako naman ang madalas makipag sabunutan o suntukan . Kaya madalas ay napapatawag si inay sa School dahil sakin.
Nagkahiwalay lang kami nung college, siya ay teacher at ako ay accountancy . Pero siya ay nakapagtapos sa tulong ng kaniyang mga tiyahin. Ako naman ay hindi. Dalawang taon na rin itong naninirahan sa Maynila at nagtuturo sa kindergarten. Nagkakausap pa rin kami paminsan-minsan.
“Buti pa si Honey may boyfriend na"
“Oh ngayon naiinggit ka?" si inay.
“Opo inay, ako kelan po ba” baliw kung sagot.
Bigla ba naman ako kinurot sa tagiliran ni inay.
“Makakapag-nobyo ka lang kung kaya mo na ang sarili mo at di na nadidisgrasya" sermon ni inay.
“Wala ka atang bilib sa akin inay sa ganda kung ito"
“Sa ganda ay sobra-sobra pero sa galaw mo anak, makahanap ka sana na laging magliligtas sayo"
Ako naman ay napasimangot . Diko alam kung matutuwa sa sinabi ni inay.
“Inay pupunta kami sa ilog ni pakito mamaya" pag iiba ko ng usapan.
“Ay bahala ka pumasyal basta uuwi ka rito bago magdilim delikado pa naman ang panahon ngayon.
“Okay po inay"
Mga alas kwatro ng hapon ay lumabas ako ng bahay, isang malaking puting t-shirt at maong short at tsinelas na itim ang suot ko habang yakap yakap si pakito. Dumaan muna ako sa nagtitinda ng tusok-tusok. Bumili ako ng fishball at kwek-kwek at nilagay sa plastik na baso, bumili rin ako ng coke mismo. Para may kainin kami ni pakito.
Nakarating rin kami sa tabi ng ilog, at nagpunta sa dating tambayan ko. Sa malalaking bato ako umupo para wala makakita sakin at may mga malalaking halaman naman sa kabila.
Nilapag ko sa bato si pakito at umupo na rin ako at nagsimulang kumain Ng fishball. Binigyan ko naman ng kwek-kwek si pakito .
Pinagmamasdan ko ang malaking ilog , nakakarelax talaga dito sabayan pa ng malamig na hangin. Pumupunta lang ako rito kapag nakakaramdam ako ng stress at nalulungkot.
Naalala ko lang bigla si honey na aking kaibigan, buti pa ito ay may maayos na trabaho at ngayon may lovelife na. Ako naman ay wala na ngang trabaho wala pang lovelife . Napabuntong hininga ako.
“Alam mo pakito pag ako yumaman hindi lang fishball at kwek-kwek ang kakainin natin." ngumunguya kung sabi.
“Kaya wag ka muna mamamatay dahil yayaman pa tayo"
“Meowwwww" sagot ni pakito.
“Saka mag-aasawa na rin ako. Ayus ba?" ngumunguya pa rin ako.
“Meowwww" si pakito na nakaabang sakin, ubos na pala ang kinakain nito.
Kaya fishball naman ang binigay ko dito.
Mabilis ko naubos ang kinakain ko kaya ang coke naman ang ininom ko.
Napadighay pako.
Muli ay pinagmasdan ko ang magandang ilog, nakatulala lang ako rito. Hinubad ko ang suot na tsinelas at sinawsaw ang mga paa sa malamig na tubig.
Bigla ko naalala si itay, dito rin siya nangunguha ng isda minsan sa dulong bahagi ng ilog dahil mas maraming isda ang nahuhuli doon. Minsan kasi sumama ako dito mangisda pag wala ako pasok sa trabaho.
Napatingin ako sa wrist watch ko at napalaki ang mga mata dahil mag ala-sais na ng gabi. Hindi ko napansin napatagal na pala ako dito sa pagkakaupo, kaya pala medyo dumidilim na.
“Tara na pakito at baka pagalitan na naman ako ni inay" buhat ko sa pusa ko at tumayo na. Basa ang mga paa ko nung sinuot ko ang tsinelas.
Umakyat pako sa isang malaking bato at tatalon nalang pababa pero mali ang nabaksakan ng mga paa ko. May mga putol na sanga pala sa Baba. Huli na dahil lumusot ang kanang paa ko dun.
“Ahhhhhh!" napasigaw ako sa sobrang sakit . Nabitawan ko pa si pakito at tumalon sa kung saan. Napaluhod ako sakit ng paa ko . Maya maya pa ay dahan dahan akong tumayo at inalis ang mga sanga sa paanan ko . Nakita ko nagdurugo ang kanang paa ko .
“Inay ko!" maluha luha ako nung makita ang sugat sa paa ko. At napaupo na lamang ako.
“What happened?" isang lalaki biglang sumulpot sa kung saan.
Napaangat ako ng tingin sa lalaki at ganun nalang ang gulat ko dahil ngayon ko lamang ito nakita sa lugar na ito.
Sobrang gwapo nito para bang mala hollywood ang datingan at napakalaki pa ng katawan. Parang tambay ata ito sa gym dahil sa pumuputok nitong muscle sa suot nitong polo shirt. Bagay sa kaniya ang mala adonis na katawan dahil sa laking tao nito.
“Are you okay?" kunot noong tanong nito sakin na tumingin sakin.
Medyo napahiya ako at baka napansin nitong pinagmasdan ko ito. Kaya agad akong yumuko at nakita ko na naman ang paa ko na may sugat. Napapikit ako.
“Can you walk?" tanong ng gwapong nilalang.
Napamulat ako .
“Ah oo kaya ko" tumayo muli ako at dahan dahan ako lumakad. Napangiwi ako dahil lalo lamang ang kanang paa ko.
“Sa tingin ko hindi mo kaya" lumapit ito sakin at akmang hahawakan ako sa braso pero mabilis ako lumayo.
“Di na kailangan salamat nalang” . sagot ko. Diko naman ito kilala at baka masamang tao ito kahit ba sobrang gwapo nito sa paningin.
“Pakito ! Pakito! " tawag ko sa pusa ko.
Napatingin ako sa kaharap ko at ganun nalang ang pagka kunot noo nito sakin. Parang may gusto sabihin.
“Halika na, di ako masamang tao ihahatid na kita sa bahay ninyo"
Napataas ang kanang kilay ko.
“No need di kita kilala" mataray kung sagot at pinilit ko na maglakad . Makakauwi din ako kahit paikaika ako maglakad.
“Pakito !" sigaw ko ulit at biglang sulpot ng pusa ko.
“Halika kana uuwi na tayo" lumapit ako dito at agad tumalon sakin.
Nilagpasan ko nalang ang gwapong nilalang kahit hirap na hirap ako maglakad. Hindi ko na rin ito nilingon man lang.
Nakauwi ako ng bahay kahit sobrang sakit ng paa ko, binagalan ko nalang din maglakad para di mapwersa ang kanang paa ko.
Nang malaman ng inay ang nangyare sakin ay pinaulan ako ng sermon. Sanay naman ako dito kaya di nalang ako umimik. Si inay na rin ang naglinis at nag gamot sa sugat ko. Tiniis ko nalang ang hapdi ng alcohol kahit magkandaluha luha ako.