- Sammy - Pagkauwi namin ay tinulungan akong magsampay ni Adam. Ayaw pa nito ako na magsampay dahil alam niyang pagod na ako pero hindi ako pumayag dahil hindi naman ito marunong sa pagsampay. Tinuruan ko pa nga kung paano magsipit ng mga damit dahil wala namang hanger. Pagkatapos namin magsampay ay nagpresinta pa ito na siya na raw ang magluluto ng aming tanghalian. Pero dahil wala naman akong bilib sa pagluluto niya ay kasama niya ako sa pagluluto. Sa hapon pa kasi makakauwi ang magulang ko, kaya sa aming tatlo ni Adam at Pakito ang sinaing ko. Naghiwa ako ng gulay dahil magigisa ako ng pinakbet. Si Adam naman ay nagsibak ng kahoy para may panggatong kami. Mukhang easy naman sa kaniya ang ganung bagay kaya hinayaan ko siya maging abala sa abuhan. “Ang sarap ng luto mo, Baby. "

