-Sammy- Umaga pa lang ay naging abala ang buong mamayan dito sa lugar na ito. Akala mo talaga ay may ikakasal o magbi-birthday party. Kung magpakabongga naman si Adam sa handaan. Kala mo ay politiko. “Kung tatakbo kang Mayor dito sa aming lugar, ay tiyak ang iyong panalo!" sabay tawa ni Manong Loy na isa sa nagpapaikot ng lechon. “Pwede rin na governor, para lumayas na ang buwaya sa aming lugar. " sabat pa ng isa na kasama ni Manong Loy. “Hoy! Porke nagpapiging lang si Sir Adam sa atin pinatakbo niyo naman agad sa politika. Ang tanong kung may interes ba?" Ngumisi si Adam at napapailing habang tumutulong sa pag-iihaw ng isda. “Mas gusto kong magtanim ng palay kaysa ang pumasok sa pulitika." sagot ni Adam na pawis na pawis sa pagpaypay ng inihaw. “Tama. Tama. Marumi ang pulitik

