- Sammy - Ang balak namin na pag-alis ay hindi natuloy dahil may kailangan gawin si Adam sa kaniyang opisina. Tinitimplahan ko siya ng kape o kaya naman hinahatiran ko ng pagkain. Dalawang araw na ganun lang kami. Hindi ko alam kung anong klaseng trabaho merun si Adam dahil kapag kinagabihan ay aalis ito dahil pupunta daw ng headquarters. Babalik din ng madaling araw, na hindi ko na alam kung anong oras dahil tulog na ako. Wala namang problema sa pagkain dahil panay lang ako luto. Kaya siguro nag-iimbak ito ng maraming pagkain ay dahil ganito ito kung magtrabaho. Kakaiba at hindi ko maintindihan. Kaya nakakahiya din istorbohin dahil napakaseryoso niyang tao. Pwera na lang kung atakehin ng pagkaloko. Nagluluto ako ng almusal nang tumawag ang Inay ko. “Inay? Kamusta po?" “Eto ayos la

