- Sammy - Bigla akong nagising dahil sa tunog ng cellphone ko. Kahit inaantok pa ay pinilit kong idilat ang isang mata ko. Napuyat kasi ako dahil namamahay pa ako. Ang ganda at lambot kasi ng kama ko, ang bango pa. Sinulit ko munang magpagulong-gulong dahil habang ako lang ang mag-isa. Iniwan ako ni Adam dahil umalis siya kagabi. Hindi ko alam kung nakauwi na siya o hindi ba. Na-excite rin akong kalikutin ang iPhone na bigay sa akin ni Adam. Nanood pa ako ng videos para malaman ang mga bagay-bagay. Super bet na bet ko ang camera. Napuyat ako kakaselfie tangina. “Samantha!" “I-inay?" napadilat ako ng husto nang mabosesan ko si Inay. “Jusko anak. Sumagot ka rin. Kanina pa ako tumatawag sayo." Nakamot tuloy ako sa aking ulo. “Kakagising ko lang po, Inay. Kamusta po?" napahikab pa

