Chapter 10

3189 Words

- Sammy - Bago magtanghali ay umalis kami ni Adam. Wala naman siyang sinabi kung saan kami pupunta pero sa tingin ko ay ito na ang simula ng pagiging assistant ko sa kaniya. Habang nagda-drive kasi ito ay palagi itong may kausap sa cellphone. Ngayon ko lang din nakita ito na seryoso habang may kausap. Baka ganito talaga ang ugali nito? Tahimik na lang ako habang nakatingin sa labas ng bintana. Mabuti na lang at naligo ako kanina bago ako magpahinga sa malambot na kama. Parang nakakahiya kasi na humiga tapos galing pa kami sa byahe. Sobrang linis at bango pa ng kobre-kama at punda, lalo na ng kumot. Hay jusko po. Bigla ko ngang namiss ang alaga kong si Pakito. Tinawagan ko ang Inay nang makarating ako at kinwento ko kung gaano kaganda ang bahay ni Adam. Kinamusta ko rin ang pusa ko.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD