Chapter 9

2363 Words
- Sammy - Alas-kwatro pa lang ng madaling araw nang mambulabog si Adam sa aming bahay. Kaya pinakape muna ito ng aking Inay habang ako ay parang zombie dahil kakagising lang. Diretso banyo tuloy ako para maligo. Mabilis lang ang pagligo ko dahil sobrang lamig ng tubig, hindi ako makasigaw dahil maririnig ni Adam at nakakahiya naman. Ang sinuot ko lang ay ang high waist na pantalon at white tshirt at turnong puting rubber shoes. Mabilis lang din akong nagpahid ng sunscreen sa mukha at pulbo dahil ang Inay ay nagagalit na dahil sa bagal ko raw kumilos. Lagpas ala-singko ng umaga na kami lumabas ng bahay habang ang Inay ay karga si Pakito dahil ayaw nitong dalhin ko ang alaga kong pusa. “Mag-ingat kayo sa byahe anak ah. Magtext ka sa akin kapag nakarating kayo doon. " “Opo Inay. " Niyakap ko ang Inay. Mamimiss ko ang Inay ko lalo na ang pusa ko. Paglabas ko ng bakuran ay may nakita akong puting sasakyan na napakaganda. Range Rover? “Kanino ito Inay?" Nagkibit-balikat si Inay. “Hindi ko alam kung kay Adam iyan. " Maya-maya pa ay tumunog ang sasakyan at nagbukas ng bintana. Si Adam! Nauna kasing lumabas si Adam at hindi ko napansin may sasakyan palang nakaparada sa labas ng aming bakuran. Mayaman ba talaga ang lalaking ito? “Diyan ba ako sasakay? " pagtatanong ko pa. “Yeah. Sakay na dahil aabutan tayo ng traffic sa edsa. " Nagkatinginan na lang kami ng Inay at nagpaalam ulit ako sa dito. Isang malaking backpack ang dala ko at maliit na sako bag para sa sapatos at tsinelas ko. Pero bago pa ako makalapit sa kotse ni Adam ay lumabas ito para pagbuksan ako pintuan sa may passenger seat. Kinuha nito ang gamit ko at nilagay sa compartment. Kaya cellphone ko lang ang hawak ko. Hindi pa agad pumasok si Adam dahil lumapit ito sa aking Inay at nagmano. Pero naningkit ang mata ko dahil nakita ko na kinuha ni Adam ang isang palad ni Inay kahit karga nito si Pakito at may inabot na outing sobre. Bakas sa mukha ng aking Inay ang pagkabigla at umalis na si Adam. Nang makaupo na sa tabi ko si Adam ay pinaandar na nito ang kotse. Ang Inay ko ay tulala pa rin. Ito ang unang beses ko na makasakay sa isang mamahaling sasakyan. Kahit ang ordinaryong sasakyan ang mga pinoy ay hindi pa, wala naman kasi kaming kakilala o kamag-anak na may kotse pwera na lang sa taxi na bilang ko lang sa daliri na makasakay ako. Kaya medyo nahihiya at parang hindi ko alam ang gagawin ko. Mabuti na lang at nakaalalay naman sa akin si Adam at siya pa ang nagkabit ng seatbelt ko. Paandar na ang sinasakyan namin ng mahagip ko sa kabilang tawid ang nakapamewang na si Andrea habang bumibili ng almusal. Nakatingin ito sa sinasakyan namin na hindi maipinta ang pagmumukha. Hmmmp! Inggit! Hindi ko mabanggit kay Adam ang nakita ko kanina tungkol sa pag-abot nito sa Inay ko. Siguro ay mamaya na lang at itatanong ko ang Inay. “Ano ang gusto mong kainin?" “Huh?" Nagulat ako sa tanong nito. Ang tahimik kasi nito habang nagda-drive. Ang mahinang radio fm lang ang nagbibigay ingay sa panahon ng byahe namin. Kaya nahihiya ako makipag-usap. Parang ibang tao siya. “Ayos lang ba sayo sa drive-thru?" “Ahh hmm. " napatingin ako sa labas. Puro sarado pa ang ilang establisimyento. At ang bukas ay Jollibee at McDo. “Pili ka. " Napatingin pa ako kay Adam. “Bakit ako ang pipili? Ikaw ‘di ba ang magbabayad?" paninigurado ko. Nagkatitigan tuloy kaming dalawa. Pero ang lalaking ito ay parang nang-iinis. “Yeah. Ako ang magbabayad kapag ikaw pumili. Pero ikaw ang magbabayad kapag ako pinapili mo. " “Ano!" napanguso ako. Wala pa naman akong kapera-pera. Tumawa lang ang damuho. “Deal?" pang-aasar nito. “Hmmp! Ako na ang pipili. Gusto ko sa Jollibee. " “Okay." mabilis na sagot nito. Inirapan ko ito. Naghintay pa kami ng ilang minuto dahil may dalawang sasakyan na nauna sa amin. At nang kami na ang nasa cashier ay nag-order ako ng dalawang kape, tig isang silog, buger at fries. Pagkabigay ko ng resibo kay Adam ay inabot nito ang kaniyang card. Hindi man lang nito pinansin kung magkano ang na-order ko lahat. Napatingin na lang ako sa kaniya pero hindi na umimik at iniabot sa cashier ang card. “Pwede po ba sa inyo ang card?" tanong ko pa. “Yes po ma'am. " Ilan saglit lang ay pinagtype ng passcode si Adam kaya halos maipit ako sa gilid ng pintuan ng kotse. Sumiksik kasi ang lalaking ito habang pinipindot ng passcode. “Are you okay, Sammy?" Nagtanong ka pa talaga! Inipit mo nga ako. Hmmpp!! “Ayos lang.. " labas sa ilong kong sagot. Hindi nagtagal ay inabot na ang order namin at habang bumabyahe ay kumakain kami. Hindi na ako nahiya habang kumakain na kasabay itong si Adam. Napapadalas na rin kaming sabay kumain kaya wala ng hiya-hiya. Ako pa nga ang naunang makaubos ng pagkain ko. Habang si Adam naman ay burger at kape pa lang ang nakakain. “Ang bagal mo naman kumain. Ako ubos na." pagmamalaki ko pa. Ang sarap kaya kumain lalo na kapag libre. Tumaas ang sulok ng labi ni Adam. Hindi mo alam kung nagpipigil tumawa. “Hindi kasi ako masiyado kumakain kapag breakfast. I’ll just stick to coffee in the morning. It’s the only thing that works for me.” “Ahhh." napatango na lang ako. Sarap talaga nitong pakinggan kapag nagsasalita ng english. Parang ibang nilalang. Naabutan na kami ng traffic kaya lagpas dalawang oras nang makarating kami sa Ayala Alabang. Halos mapanganga ako sa napakagandang village. First time ko makakita ng magaganda at malalaking bahay, dahil madalas ay sa tv at sa internet lang. Huminto si Adam sa malaking gate at lumabas ang isang security guard. May pinakitang ID si Adam at saka sumaludo ang guard sa kaniya. Kaya mabilis lang din kami nakapasok. “Dito ka ba nakatira?" Tumango ito. “Yeah." “Hindi ba sabi mo on-call bodyguard ka ng pinsan mo? So dito rin siya nakatira? Nasa iisang village ba kayo?" curious ko pa. Napakamot ito sa noo. “Yeah.. pwede. " “Pwede? Anong pwede?" nagtataasan ang kilay ko nang tignan ko ito ng masama. Ang sabi kasi nito ay sa condo ito nakatira. Pero hindi kaya sa pinsan niya ang sinasabi nitong may condo at dito talaga siya nakatira? Ay ambot. “Yeah I mean, ... oh wait." Hindi nito tinuloy ang pagsasalita dahil lumiko ito pakanan at ilang saglit pa ay pumasok ang sasakyan sa loob ng bakuran sa isang magandang bahay. Wala itong gate pero malawak ang bakuran. Isang modern glass house iyon at nababalutan ng itim na kurtina. Wow... Ang ganda. Nauna itong bumaba para alalayan ako bumaba dahil may kataasan ang sasakyan nito. “Ang ganda ng bahay mo. Bakit hindi ka dito mag-stay na lang? Mukha namang hindi ka kinakapos sa buhay. " Naglakad ako at inikot ang mata sa buong paligid. Talagang nakakahanga ang pagkakagawa ng glass house nito. Kung ikukumpara ko sa mga nakita ko kanina habang nasa byahe kami ay mas nangingibabaw ang ganda at pagkasimple ng pagkakayari ng bahay na ito. Yung tipong ang gaan sa pakiramdam at kung ayaw mo ng maingay sa paligid dito ay swak na swak manirahan. “Let's go inside. " Tumaas pa ang sulok ng labi nito. Hindi ko alam kung natatawa sa akin o naiinis ba. “H-huh? Ahh.." Napatungo ako. Nakakahiya naman sa taong nagdala sa akin dito. Baka akala ay ignorante ako. Masiyado ko lang naman na ninamnam ang paligid. Mabilis lang ako na sumunod sa kaniya hanggang sa mabuksan nito ang main door. “Mauna ka ng pumasok. Feel at home. " “Huh? Pero bakit --" Hindi na ako nakatapos sa pagsasalita dahil tumalikod na ito para magtungo sa likod ng sasakyan. Kaya kahit nahihiya ay pumasok na ako. Sinigurado ko munang hubarin ang suot kong rubbershoes at binitbit iyon. Ay wow.. grabe ang ganda. Napatigil ako sandali para libutin ng buong paningin ko ang napakaganda at malinis na living room ni Adam. Ang aesthetic ng theme na kulay black and white. Alam mong lalaki ang nakatira. Ang sala set nito na nasa gitna ay malaki na mukhang kasiya ang tatlong tao. Ang harap nito ay ang napakalaking flat tv screen at sa ibaba nito ay may chimney pero hindi tulad ang nasa labas nito sa napapanood ko sa tv, may pagka modern ang atake. Napatingla ako sa nag-iisang malaking Portrait na nasa kanan ng sala. Si Adam iyon. Kahit tao ang gumawa sa pagpintura nito ay buhay na buhay ang pagkakagawa lalo na ang mata nito. Napalunok tuloy ako. Nakasuot ito na parang pang sundalo. Hindi na rin nakakapagtaka dahil former Navy Seal ito. “Ay palaka!" Nagulat ako dahil biglang may tumunog at kumalat ang liwanag sa buong living room. “Bakit hindi mo binuksan itong ilaw natin. Natakot ka tuloy sa dilim." Hindi ako nakasagot sa sinabi nito. Hindi naman ako takot sa dilim, kundi natulala ako sa portrait nito. Naibaba na pala ni Adam ang gamit ko nang hindi ko napapansin. Kaya nang lumapit ito ay kinuha nito ang hawak kong sapatos. “Akin na para mailagay natin dito. " “A-ako na. " babawiin ko sana pero hindi ako nito pinansin. Pero bitbit nito ang sapatos ko kaya sinundan ko ito. Ang sarap sa paa ng malamig na tiles. Wala kasing ganito sa bahay namin kaya ignorante ako. Lahat ng nakikita ko sa paningin ko ay namamangha talaga ako kahit na wala masiyadong nakadikit sa wall kundi puro kurtinang itim. Lumabas si Adam sa likod ng kusina at nakita ko roon ang maayos na shoe rack. “Sa tingin ko kailangan natin mamili ng gamit mo." “Huh?" halos mauntog ako sa malapad nitong likod dahil bigla itong huminto. “Aalis tayo later, kailangan muna natin magpahinga ngayon. " Napaatras ako dahil papasok na ulit ito. Ako naman ay sumunod ulit sa kaniya. May kinapa sa pader si Adam at tumunog ang aircon. Wow... Buong bahay ba nito naka aircon? Sa apat na sulok na nakikita ko dito sa living room ay apat din ang nakikita kong malaking aircon. Takot ata itong mainitan kahit wala sa mukha. Nung naglakad ulit ito mula sa main door at sumunod ako. Maya-maya pa ay buhat na nito ang gamit ko. “Ako na magbubuhat ng gamit ko." aabutin ko sana sa kaniya pero mabilis na nakaiwas ito sa akin. “Follow me. " pang-uutos pa nito sa akin. Nakakainis sa totoo lang para akong bata na sumusunod sa tatay. Hmmmp! May tatlong kwarto ang bumungad sa paningin ko. “Here's my room, and this is my office." turo nito sa dulong pinto. “... at itong nasa unahan ay magiging room mo. " Napasinghap ako. Agad na sinusian nito ang tinuro nitong magiging kwarto ko na agad din na nabuksan. Binuksan nito ang ilaw at ibinaba ang backpack ko. Pero ako ay naestatwa sa kinatatayuan ko. Hindi kaya mali ito? Bakit ganito? “What? May problema ba?" pagtataka ni Adam nang hindi ako sumunod sa loob. “Oo." matapang kong sagot. Nakita ko na naguluhan si Adam pero seryoso ang mukha. “What is it?" “Hindi kaya ibebenta mo ako masasamang tao kaya ngayon pa lang ay ginagandahan mo ang magiging buhay ko habang nasa poder mo? Hindi pa naman kita kilala ng lubusan pero bakit dito mo ako dinala? Ang sabi mo ay sa condo ka nakatira tapos napunta tayo. Mukhang hindi ka naman bodyguard dahil parang ikaw ang maraming alagad! Sa tingin mo mauuto mo ako dito? Pwes uuwi na ako sa amin!" Nagtaas baba ang dibdib ko dahil dire-diretso ang pagsasalita ko at straight to the point. “What the... " napamewang na lang si Adam habang papalapit sa akin. “Where on earth did you get that idea?" Gusto kong mapaatras dahil nakatunghay ito sa akin. Habang ako ay nakatingala. May kunting kaba akong naramdaman sa dibdib. “Honestly, binigyan mo ako ng idea.. but, bakit naman kita ibebenta sa iba kung nandito naman ako." bumaba pa ang boses nito na para bang nasa ilalaim ng lupa. Napalunok ako. Sa laking tao nito, kayang-kaya ako nito ihagis sa labas ng bintana gamit lang ng isang kamay nito. “I understand what you feel, since you’re under my care, and you’re right, you don’t really know me personally yet.” Parang lalabas na tuloy ang puso ko sa lakas ng kabog. Bwisit na ito panay ang lapit sa akin. “Hindi ba nangako ako sa Inay at Itay mo na iingatan kita habang nasa poder kita. At kaya kita dinala rito ay para maging assistant ko?" Nanlaki ang mata ko. Oo nga Sammy! Ikaw talaga! Nakalimutan ko, iyon nga pala ang dahilan. Nagulat ako nang itaas nito ang kanang braso palapit sa mukha ko kaya agad akong napapikit sa takot na sampalin nito. Ayy? Agad akong napadilat dahil kamay nito ay nakapatong sa ulo ko at hinahagod iyon na para bang isa akong kuting. Nagkatitigan kami ni Adam at ito ay ngumiti . Ngayon ko lang natitigan na sobrang ganda ng ngipin nito at perpekto na para bang model ng toothpaste. Ang bango... parang ang sarap. Ay leche ka! “G-galit ka na niyan?" tanong ko pa kahit namumula na ang buong mukha ko. Mas lalo tuloy na lumawak pag pagnakangiti nito. “Nope. Mahirap ako galitin. Isa lang ang madalas na nagagalit sa akin.. " “Huh?" Nalito ako sa sinabi nito. Umiling ito at muli ay hinawakan ang buhok ko. “Pahinga ka muna. Tatawagin na lang kita kapag aalis tayo." Sa isang kisap mata ay narito na ako sa loob ng kwatro na nilaan sa akin ni Adam. Iniwan na niya nang makapasok ako para daw sa privacy ko. Sobrang ganda at maaliwas ang kwarto dagdagan pa na mabango iyon at malamig ang paligid dahil sa aircon. Ano Samantha kaya pa? Haysssss! Sorry na po Lord, sa pagiging judgemental ko sa life.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD