Chapter 8

1821 Words
- Sammy - Sa amin na naghapunan si Adam. Feel na feel ng mokong na ito na makikain. Parang hindi sanay na mahiya, kasi kung ako ganyan isang beses lang pwede at hindi na masusundan. Mabuti na lang ang dalang ulam ni Inay ay isang malaking inihaw na bangus, dinakdakan, chinopchop na letchong baboy, kaldereta at may pang himagas na macaroni salad. Marami raw kasi ang pinauwi sa kaniya ng kaniyang kumare kaya punong-puno ang bayong ni Inay. Mabuti na lang din at marami akong sinaing kaya sarap na sarap kaming kumakaing apat kasama na si Pakito. “Ang sarap pala Inay ng pakain sa kumare mo. Busog na busog ako. " napadighay pa si Adam. Natawa naman ang Inay ko. “Oo, galante talaga kasi si Kumareng Mely kapag may handaan sa kanila. Parang laging may birthday. Hindi pa madamot dahil kahit anong gusto mo ay ipapauwi." Kumakain ako ng macaroni salad, at talagang sarap na sarap ako dahil bukod sa favorite ko ang salad ay bihira lang kami makakain ng ganito. Hindi rin naman kami makagawa ng salad dahil wala naman kaming refrigerator. Nag-uusap lang ang Inay at si Adam nang marinig kong aalis si Adam kinabukasan para magtrabaho. “Balak ko po sanang kunin si Samantha sa bahay.. " Napasinghap ako at nanlaki ang mata sa pagsasalita ni Adam. Gusto kong duruin ang lalaki pero nasa harapan ko ang Inay at baka mapagalitan lang ako. “Ano kamo sa bahay?" napakunot noo din ang Inay ko sa binata. “Balak ko pong isama si Samantha sa Maynila habang wala pa po siyang trabaho." “At anong gagawin ng anak ko roon? At kasama ka pa niya?" Napalunok ako at napaayos sa pagkakaupo. Wala talaga sa hulog magsalita itong lalaking ito. “I-inay.. " “Ang ibig ko pong sabihin, Inay. Balak ko sanang isama si Samantha para magsideline." malumanay na sagot ni Adam. “Sideline? Anong sideline naman yan? Walang masiyadong alam itong anak ko." Napanguso ako. Parang ang dating ay wala akong alam sa buhay. Grabe ang Inay ko. “Ano bang trabaho mo sa Maynila? Para isama mo ito. " sabay nguso sa akin. “On-call na Body guard lang po ako sa pinsan ko. At kaya gusto ko isama si Samantha ay nangangailangan po ang pinsan ko ng tagalinis ng condo niya." Ilang segundo na napatitig ang Inay kay Adam at saka nilingon ako. “Ganun ba? Iyon ang trabaho mo?" Tumango ang lalaki. May dinukot ito sa kaniyang wallet at pinakita ang isang ID. Sinuot pa ni Inag lnay ang kaniyang antipara para tignan iyon. “Sundalo ka ba hijo?" Bigla akong naintriga at napatayo para basahin ang ID ni Adam. Navy Seal... Sa maliit na picture niya sa ID ay napakabata pa ng mukha nito, pero aaminin ko sobrang gwapo ni Adam. Gwapo naman siya ngayon kaso nag-mature na dahil may maliliit na balbas at bigote sa kaniyang mukha. “Im a former Navy seal.. " Wow.. Napakwento tuloy si Adam sa kaniyang dating trabaho. Ito ang kaniyang unang trabaho na pitong taon din ang itinagal bago siya nagretiro sa edad na 28. Bata pa rin naman dahil iyon ang edad ng pasimula ng magandang career. Natanong ng Inay kung bakit siya umalis ang sagot ng binata ay gusto niya na maiba naman ang takbo ng kaniyang buhay. “Hindi ka naghanap ng asawa noong naroon ka pa hijo?" Umiling si Adam pero nakita ko sa mata niya ang lungkot. “Nagkaroon po ako ng girlfriend noon, na balak ko sanang pakasalan pero iniwan lang ako. " “Jusko! Sa gwapo mong iyan, iniwan ka pa?" napahawak pa sa dibdib ang Inay. Ako naman na nakikinig ay biglang nakaramdam ng pagpitik sa dibdib ko. Sinayang naman niya ang lalaking ito. Nagkibit-balikat si Adam. “Hindi niya ako nahintay. Pero ganun talaga ang buhay. Matagal na rin naman iyon. " sabay ngiti ni Adam sa akin. Inirapan ko si Adam at sumimangot. Pangiti-ngiti pa sa akin. Wala namang nakakatuwa. “Kaya naging Bodyguard ka na ngayon?" tanong ng Inay. “Opo. Minsan lang po kapag narito sa bansa ang pinsan ko dahil madalas ay nasa Australia siya naglalagi." Nilingon ako ng Inay. “Wala naman problema sa akin, basta ligtas lang ang anak ko. Alam mo na. Mahirap na ang panahon ngayon, kahit saang lugar ay puro karahasan at kasamaan. Nag-iisang anak lang namin itong si Samantha at babae pa." Ramdam ko ang titig ni Adam kahit na hindi ako nakatingin sa kaniya. “.. Isa pa sa pinag-aalala ko sa kaniya. Kami ng kaniyang Tatay. Lapitin ng disgrasya ang anak namin. Mahilig pa sa away at hindi pa naman ito nagpapatalo. Kaya mahirap din mapunta ito sa ibang lugar ng walang nakakakilala sa kaniya at baka kung ano pa ang mangyari na hindi maganda." “Inay!" Namumula akong napatingin kay Adam. Baka akala nito ay palaaway ako. Kahit na totoo pero hindi naman ako ganun kalala. “Ako pong bahala, Inay." “Huh? Totoo ba?" Ngumiti si Adam sa Inay at humarap ulit sa akin sabay kindat. Gago. “Wala po kayong aalalahanin dahil palaging safe si Samantha sa poder ko. " Nilingon ako ng Inay ko. “Ganun ba? Ay sana nga. Mahirap magtiwala sa panahon ngayon, at kahit na magaan ang loob ko sa iyo Hijo, sana ay ligtas itong anak ko." “Makakaasa ka po Inay. " Tumango ang Inay ko at kinuha ang cellphone. Maya-maya pa ay tinatawagan na nito si Itay. “Pang, magtatrabaho itong anak natin sa Maynila. Ayos lang ba sa iyo? " “Wala namang problema. Matanda na iyang anak mo. Sino bang makakasama niya sa kaniyang trabaho? At ano ang magiging trabaho niya doon?" Nakaloud speaker iyon kaya rinig namin si Itay. “Si Adam. Yung gwapong binata na mabango. " sagot ng Inay sabay ibinigay ang cellphone kay Adam. Napasinghap ako. Kung maka-describe itong Inay ko ay hindi nalalayo sa akin. Gwapong-gwapo rin pala ito kay Adam. Abot langit tuloy ang pagkakangisi nung isa nang kausapin ang aking Itay na hindi ko akalain na kilala rin pala ng Itay ko. “Magandang gabi po Itay. Kamusta na po? " confident na binati ni Adam si Itay. “Oh hijo, Ayos lang ako. kamusta ka na? Matagal-tagal na rin nung huli tayong nagkita ano? Mabuti at bumalik ka riyan sa Bulacan. Tuloy-tuloy pa rin ba ang gawa?" “Opo, pasilip-silip lang po ako dito at babalik din ng Maynila. " “Ganun ba? Magkakilala na pala kayo ng dalaga namin?" Ako na nakanganga habang nakikinig sa usapan ng dalawa nang mahuli ako ni Adam kaya mabilis kong itinikom ang bibig. Nagtataka ako dahil ilang buwan ng nasa bicol ang Itay ko pero kakilala niya si Adam? So matagal ng narito ang lalaking ito at late ko siyang nakilala? Kaya pala ganun na lang kung makipag close sa aking Inay at sa mga tao dito. “Opo, Itay. Kaya inalok ko po siya ng trabaho sa Maynila pagkabalik ko. Sayang naman ang panahon na narito lang siya at nakatambay. " “Halah.. " napanguso ako. “Oo, walang problema Hijo. Basta ingatan mo lang ang anak namin. Nag-iisa lang yan at babae pa kaya ikaw lang mag-iingat sa kaniya hanggang sa makauwi sa aming tahanan." “Opo. Pinapangako ko po Itay. Iingatan ko ang nag-iisang anak ninyo. " tumingin ito sa akin Inay at sa akin. Parang tumalon tuloy ang puso ko. Parang kakaiba naman ang ibig nitong sabihin. Trabaho lang naman iyon at bakit parang hinihingi na ang kamay ko sa magulang ko? Pasimple kong kinurot ang sarili. Nababaliw na ata ako. Bwisit talaga itong lalaking ito. Nagpaalam na rin si Adam dahil mag-aasikaso pa ito ng gamit sa pagluwas kinabukasan. Ako naman ay agad kong kinausap ang Inay. “Ayos lang po ba sa iyo Inay na sumama ako kay Adam? Kayo ng Itay? Nagtataka ako kung paano na nakilala ng Itay si Adam na ilang buwan ng nasa Bicol." Nahinto sa pagpapalit ng punda ang Inay at nilingon ako. “Hindi ko ba naikwento sayo? Matagal na iyan naparito kumbaga pupunta dine sa ating lugar at mananatili din ng ilang araw o linggo at aalis din. Ngayon lang din yan nagtagal dahil inaayos ang malaking bahay sa tapat nila kumareng Norma." Napasinghap ako sa gulat. “Seryoso po Inay? Sa kaniya po ba yung mansion na ginagawa sa tapat nila Honey?" Pinagpatuloy ni Inay ang pagpalit ng punda at inayos ang kaniyang kama. “Hindi naman daw sa kaniya ang mansion kundi sa kaniyang pinsan. Siya lang ang nagmonitor dahil hindi pa naman daw siya busy. Dahil kapag abala na siya sa kaniyang trabaho ay matatagalan bago ang kaniyang pagbalik. " Napatango-tango na lang ako. Hindi ko alam na iyon pala ang dahilan kung bakit narito si Adam. Kaya rin pala siya kilala ng mga tao dito sa amin dahil matagal na siyang narito. Ako na lang pala ang nahuling nakilala ito. “Hindi mo talaga makikilala ang binatang iyon dahil busy ka pa sa trabaho noon. Pasikat pa lang ang araw ay umaalis kana, uuwi ka ng madilim na. Ang pahinga mo ay tinutulog mo maghapon, kaya hindi mo talaga makikita si Adam. Ilang linggo ka pa lang na walang trabaho, kaya bago mo lang siya nakilala. " “Kaya po pala feeling close ang lalaking iyon, Inay. Tapos Inay at Itay na rin ang tawag sa inyo. " Natawa ang Inay ko. Nagulat pa ako nang tumalon sa kandungan ko si Pakito. “Hayaan mo na, nasa ibang bansa daw kasi ang pamilya niya at siya lang ang narito. Namimiss siguro ang kaniyang magulang kaya hinayaan namin na ganun ang itawag sa amin. Mabait naman si Adam." Hinaplos ko sa ulo si Pakito. “Aalis na raw kami bukas Inay at pwede ko isama si Pakito. Ayos lang po ba?" Napataas ang isang kilay ni Inay. “Iwan mo si Pakito, anak. Hindi maganda na magtatrabaho ka na may alagain kang pusa doon. Hindi maganda iyon. " “Pero si Adam na po ang nag-suggest na isama ko si Pakito, Inay para hindi ako malungkot dun." Matigas na umiling si Inay. “Tumigil ka. Ang dapat mong gawin ngayon ay mag-ayos ng gamit dahil maaga pa kayong luluwas bukas. " pagsusungit ng Inay sabay kuha sa kandungan ko si Pakito. “Inay!" Hinila ko sa bandang pwetan si Pakito pero ang Inay ay hinila sa may uluhan ang alaga ko. “Inay naman eh!" “Ikaw ay aking tatampalin Samantha ah. Bitiwan mo si Pakito kung ayaw mong mapilay ito. " Binitawan ko na lang ang alaga nang wala itong tigil sa kakasigaw. Mukhang nasaktan dahil hinila namin ng Inay. Nakakatakot at baka bigla itong mahati sa gitna. Kawawa naman ang pusa ko. “Sisilipin kita mamaya kung naiayos mo na ang gamit mo, Samantha. Baka tumulala ka na naman diyan." Napanguso na lang ako at tumayo. Ang Inay talaga..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD