ATARAH ISANG ARAW AKONG HINDI PINAPASOK ni Sir Damon sa trabaho at ngayon nga ay kailangan ko ng bumalik dahil bukod sa ayokong mabawasan pa ang kikitain ko ay kailangan ko ring kausapin si Manager Vina dahil sa ginawa niyang pagsisinungaling sa pulis. Dahil sa ginawa niyang iyon ay naging suspek ako sa nangyari kay Mister Uy kahit wala naman akong kinalaman sa nangyari. “Atarah! Kumusta? Anong nangyari?” salubong sa akin ni Lola nang magkasabay kami papasok sa DMC building. Hindi ko siya pinansin dahil malalaki ang hakbang ko na naglakad papunta sa locker at nagbabakasakali na naroon si Manager Vina. Nilagpasan ko lang si Lola at naririnig ko pa ang pagtawag niya sa aking pangalan. Nang marating ko ang locker ay naabutan ko si Celeste na nagbibihis. Nanlaki ang mga mata niya nang mak

