ATARAH HUMINGA MUNA AKO NANG MALALIM BAGO ako nagpasyang kumatok sa pinto ng opisina ni Sir Damon. Gusto kong magpasalamat sa ginawa niya para sa akin na kahit wala akong alam sa trabaho ni Lola ay binigay niya pa rin sa akin iyon. Inulit ko pa ng ilang beses at nang walang sumasagot ay pumasok na ako sa loob. Napakunot ang noo ko nang mapansin kong nakahiga si Sir Damon sa mahabang couch at nasa bandang noo ang kaniyang braso. “Sir?” tawag ko sa kaniya pero ni hindi manlang siya gumalaw. Natutulog ba siya? Tumikhim ako para ipaalam ang aking presensiya pero hindi pa rin siya gumagalaw kaya lumapit na ako. Lumuhod ako sa bandang ulo niya para silipin ang kaniyang mukha na natatakpan ng kaniyang braso. Pikit ang mga mata niya at natutulog nga dahil bukod sa mukha siyang pagod ay malalim

