ATARAH NANG PUMASOK ANG KOTSE NI SIR DAMON SA ISANG malaking gate ay hindi ko mapigilan ang mamangha dahil hindi ko lubos akalain na ganito pala kayaman ang pamilya ni Merideth. Nang makapag-park ay bumaba na si Sir Damon ng kotse at agad na rin akong sumunod sa kaniya. Napaawang ang aking labi nang makita ang mga mamahaling mga kotseng naka-park din sa tabi ng kotse ng boss ko. “Grabe! Ang yaman naman ng pamilya ni Merideth,” namamangha kong sabi. “Let’s get inside, Atarah,” wika ni Sir Damon at pumasok na sa malaking bahay. “Sir, ano palang pangalan ng celebrant?” tanong ko dahil sa kyuryusidad. “Mirabella Tuazon, Merideth’s older sister,” sagot ni Sir Damon sa akin. Nakasunod lang ako sa kaniyang likuran habang pagala-gala ang aking mga mata sa kabuuan ng bahay. Medyo marami

