ATARAH MATAPOS KONG MAIBABA ANG TAWAG ni Sir Damon ay naglakad ako papunta sa entrance ng club para silipin kung sino ba ang bisita na tinutukoy ni Winny. Kumunot ang aking noo nang makita ko si Oliver Mazariego na naghihintay sa tapat ng kaniyang kotse. Siniko pa ako ng aking kaibigang si Winny at napangisi dahil alam niya na crush ko noon si Oliver. Pero noon 'yon! Iba na ngayon! “Ito na ang chance para ma-confirm mo ang chismis kung juts nga ba talaga,” bulong ni Winny sa akin habang humahagikhik. “Gaga!” natatawa at napapailing kong sabi. Tawa lamang ni Winny ang narinig ko nang naglakad ako palapit kay Oliver at tumikhim para makuha ang kaniyang atensyon. Napatingin naman siya sa akin at napangiti nang tipid saka tinitigan ako mula ulo hanggang paa. Napakunot pa ang noo niya d

