ATARAH WALA NA AKONG NAGAWA KUNDI IWAN SA CLUB ANG mga bigay na regalo ni Oliver sa akin matapos akong pagbantaan ni Sir Damon ng tungkol sa chismis na kumalat noon tungkol kay Oliver. Hindi ko naman alam kung paano niya nalaman iyon pero mukhang seryoso siya kapag hindi ako sumunod. Napabuntong-hininga na lamang ako at bahagyang sinulyapan si Sir Damon na nasa tabi ko sa backseat habang si Jacob naman ang nagmamaneho. “Quit looking,” saad ni Sir Damon dahilan para mapangiwi ako at umiwas ng tingin. “Jacob, diyan lang sa tabi,” saad ko nang makarating kami sa isang padalahan ng pera na may katabing ATM machine. Nang huminto si Jacob ay agad akong bumaba pero nagsalubong naman ang kilay ko nang sumunod si Sir Damon. Hindi tuloy maiwasan na makakuha siya ng atensyon mula sa mga dumada

