ATARAH “EMIL, MAGBABANYO LANG MUNA AKO HA,” saad ko kay Emil nang makasakay na mga magulang niya sa kotse at umalis. “Gusto mo bang samahan kita?” Umiling naman ako. “Hindi na. Hindi naman siguro ako maliligaw.” “Sure, I'll wait for you here,” sagot naman niya sa akin at ngumiti. Tumango naman ako at naglakad papasok ulit sa restaurant para magbanyo dahil baka abutan ako sa daan kung sa bahay pa ako iihi. Habang naglalakad ay napansin ko pa ang isang lalaking naka-cap sa bandang counter pero nagkibit-balikat na lamang ako at dumiretso na sa banyo. Pagpasok ko ay walang nasa loob kaya umihi na ako agad at nang matapos ay bahagya lang akong nag-ayos saka lumabas na. Tumungo pa ako sa salamin ng banyo at ngumiwi. Sino ba naman kasi ang matutuwa sa nangyari ngayon gabi?! Bukod sa napahi

