ATARAH HALOS ISANG LINGGO NA ANG LUMIPAS MATAPOS NANG nangyaring insidente sa italian restaurant kung saan ay may nagtangkang pumatay sa akin. Simula niyon ay lagi ng nakabuntot sa akin si Jacob kahit saan ako pumunta na kulang na lang ay pati sa banyo bantayan niya ako. Si Damon naman ay patuloy pa rin na pinapahanap ang suspek pero hanggang ngayon ay wala pa rin kaming lead. Napaigtad ako nang tumunog ang aking cellphone habang nagbabasa ng e-mail sa laptop. Napalingon pa ako kay Damon na matalim ang tingin sa akin kaya agad kong sinagot iyon dahil alam kong naiingayan siya. Tumikhim muna ako at nagsalita. “Hello, good morning! This is Atarah from the DMC company, how can I help you?” sagot ko. “Good morning, Ma'am! This is the Flores Resort, we just want to confirm the reservatio

