ATARAH HALOS ISANG LINGGO NA RIN NANG maging sekretarya ako ni Sir Damon at aminin ko man o hindi ay mas mahirap pala ang ganitong trabaho kumpara sa paglilinis lang ng sahig at banyo. Pero dahil mas mataas ang sahod ay kailangan kong magtiis at pagbutihin na lang dahil para ito sa pagtatapos ng kapatid ko. Habang nagbabasa ng mga e-mails ay bigla na lang nag-alarm ang aking cellphone kaya agad kong pinatay iyon dahil maingay. Napayuko pa ako at dahan-dahan na nilingon si Sir Damon. Napaigtad ako at napangiwi nang makita ko siyang masama ang tingin sa akin. Ngumiti lang ako at muling tiningnan ang aking cellphone para i-check kung bakit may alarm ako ngayon. ”Meeting with Doctor Hajie Esquivel, three in the afternoon at Roscoe Restaurant,” basa ko sa naka-note sa ibaba ng alarm. Nanl

