ATARAH “HER WOUND ISN'T THAT DEEP BUT she needs to monitor it for possible infection,” wika ni Dok Esquivel nang matapos siya sa paggamot sa sugat ko. Nagsulat rin siya ng reseta at binigay kay Sir Damon. “Thanks Hajie,” saad ni Sir Damon at napabuntong-hininga. “I apologize for what happened today. We'll just reschedule the meeting.” Tumango naman si Dok at ngumiti. “You don't have to worry about rescheduling our meeting, Damon. I truly understand. Kung sa akin mangyari 'yan, ganiyan din ang gagawin ko. Oh siya, I have patients waiting for me. I have to go. Atarah, be safe.” Ngumiti lang Sir Damon at tumango samantalang si Dok Esquivel ay umalis na rin agad. Naupo naman sa harapan ko si Sir Damon na matamang nakatitig sa akin at nang bumaba ang tingin niya sa mga kamay kong bahagya p

