ATARAH KAKAGISING KO LANG PERO PARANG WALA akong lakas para bumangon ngayong umaga. Anim buwan na rin ang lumipas simula nang umalis kami sa Maynila at iwan si Damon at ngayon nga ay kabuwanan ko na rin. Wala na rin akong balita sa kaniya pero kahit ganoon ay hindi pa rin naman siya nawawala sa isip at puso ko. “Apo, gising ka na pala,” saad ni Lola na mukhang kakatapos lang magluto ng mga ihahanda namin para sa fiesta ngayong araw dito sa barrio namin. Umuwi kami ng Negros para dito magtago ng pansamantala dahil alam kong hindi alam ni Damon na taga-dito ako. Mukhang wala rin naman siyang balak na hanapin ako dahil sa anim na buwan ay wala akong nabalitaan na pinapahanap niya ako. Aminin ko man o hindi sa sarili ko ay umasa ako, pero siguro nga, hindi naman ako ganoon ka importante sa

