Chapter Thirty Eight

2605 Words

ATARAH KAKAGISING KO LANG PERO PAKIRAMDAM KO AY hindi ako nakatulog dahil sa mga nangyari kagabi. Muntikan na akong makulong dahil napagbintangan akong gumagamit ng pinagbabawal na gamot, nakita ko na ang buong mukha ng taong sumaksak kay Mister Uy at idagdag pa ang mga sinabi sa akin ni Sir Damon na nagpagulo ng isip at puso ko. Napabuntong-hininga ako at bumangon na saka ginulo ang aking buhok dahil pakiramdam ko ay mababaliw na ako. Mabuti na lang talaga at sabado ngayon kaya wala akong pasok sa trabaho at para na rin makapag-isip ako nang matino. Hindi ko kasi alam kung ano ba ang nangyari kay Sir Damon sa Davao at para bang bigla na lang siyang naging ganoon. “Hindi kaya nakulam siya?” tanong ko sa sarili ko pero sunod-sunod naman akong napailing dahil imposible namang mangyari i

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD