ATARAH TAHIMIK LAMANG SI DAMON NA NAGMAMANEHO HABANG binabaybay namin ang daan papunta sa bahay ng mga De Mevius. Kakatapos lang kasi ng libing ng lolo niya at agad pina-schedule ang pagbabasa ng last will and testament dahil kailangan na naming bumalik agad ng Manila. Marami na rin kasi kaming tambak na trabaho. Nang makarating kami sa De Mevius residence ay agad kaming bumaba saka naunang naglakad si Damon habang nasa likuran naman niya ako. Napakunot- noo pa ako nang bigla siyang naglahad ng palad sa harapan ko. Ngumiti naman ako at inabot ang kamay niya saka hawak-kamay na pumasok sa loob ng malaking bahay. “Damon is here,” wika ng papa niya at tinuro ang upuan. Dahil marami ang mga narito ay wala na kaming p'westo ni Damon para makaupo kaya sa gilid na lang kami nakatayo. Pero n

