bc

The Corpse of Linea Lacsamana

book_age16+
138
FOLLOW
1K
READ
killer
dark
friends to lovers
tragedy
bxg
heavy
serious
mystery
scary
city
like
intro-logo
Blurb

There was a couple who went by the names, Linea and Luis. They loved each other in spite of the hurdles and challenges they faced.

Linea was still a student back then when Luis decided to live in together with her even when Linea’s parents did not approve it.

They married when Linea turned twenty-three, had a son, and afterwards, went to Manila to take a chance of a better paying job.

Linea wanted to find a job herself but Luis insisted he should be the breadwinner, and the girl had no choice but to be a housewife and take care of their one-year-old son, Louie.

Their life was not the most pleasant, but they were still able to live a life they wanted.

Luis first tried construction work to no avail. Second, he tried dish washing on a high-class restaurant but he found he wasn’t cut out for it.

By all means, Luis was not a bad husband. He was usually quiet and mostly understanding with his wife, Linea. He always goes out of house when there was heated argument to cool down.

Linea for her part, has been extremely frustrated with Luis for not finding a permanent job. It has been a regular occurrence for Luis to be unemployed shortly after getting hired.

It continued that way until Linea found out she was pregnant, so she immediately informed her husband of the fact.

Luis continued to stressed out on finding a permanent job, heightened in urgency by the coming of his second child.

Then, an old friend of his approached him. A prospective job which turned out to be as an embalmer.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Si Linea ay isang klase ng dalaga na mabait, tahimik at masunurin sa magulang. Dahil naglayas ang kanyang Kuya Leo sa bahay nila, hindi na niya nagawa pang suwayin ang magulang niya sapagkat alam niyang malaking problema na ang pag-alis ng kapatid niya. Ayaw naman niya na pati siya ay dumagdag pa. “Itay, magkikita lang po kami ni Glory sa labas. May ibibigay po kasi siya sa akin eh. Uuwi rin po ako agad. Huwag po kayong mag-alala,” nakangiting sabi ni Linea sa kanyang ama. “Aba, gabi na ah? Pero sige, bilisan mo lang anak at madilim na. Baka mapaano ka pa sa daan,” sagot naman ng tatay ni Linea, umalis na si Linea sa kanila pagkatapos noon. Pero ang totoo, makikipagkita talaga muna siya sa kanyang kasintahan na si Luis. Ayaw ng mga magulang ni Linea kay Luis dahil mahirap lang ito. Ayaw ng mga magulang ni Linea na makapangasawa si Linea ng ka-lebel lang nila dahil gusto rin naman nilang yumaman. Kung meron mang gusto ang mga magulang ni Linea para sa kanya, ito ay si Sir Paul Menario. Isang mayaman, nakatira sa bayan ng kanilang barrio. Nasa edad trenta na ito pero mukhang binata pa dahil nga sa mayaman ito. Mabilis na tumakbo si Linea nang makita si Luis sa kanilang tagpuan. Walang masyadong tao doon kaya lagi silang doon nagkikita na dalawa. Agad na niyakap ni Luis si Linea nang makita niya ito. Pagkatapos noon ay hinalikan naman niya sa noo ang dalaga. Umupo sila sa ilalim ng puno. Kitang-kita nilang dalawa ang buwan sa sobrang liwanag nito. Habang nakatingin si Linea doon, tumingin naman si Luis sa kanya. Nakangiti lang siya habang pinagmamasdan ang ganda ng dalaga. Sobrang saya niya dahil alam niya na kahit tago silang dalawa ay siya pa rin naman ang pinipili nito kahit na anong mangyari. “Mahal ko, maraming salamat ha? Maraming salamat kasi kahit na alam mong ganito lang ako ay ako pa rin ang pinipili mo. Alam kong maraming oportunidad ang makukuha mo kung si Sir Paul Menario ang mamahalin mo, pero nandito ka ngayon sa tabi ko,” masayang sabi ni Luis. “Ano ka ba naman? Alam ko naman kasi na may pangarap ka rin naman. Siguro, hindi pa lang nakikita ng mga magulang koi yon ngayon,” sagot naman ni Linea. “Pasensya ka na Linea ha? Pasensya ka na kung ganito lang ako ngayon, pero pangako ko sa iyo na aayusin ko ang sarili ko para sa iyo at sa magiging anak natin. Marami naman akong plano na gusto kong matupad kapag nasa Maynila na tayo eh,” nakangiting sabi ni Luis. “Wala iyon sa akin, may tiwala naman ako sa iyo at alam kong magiging maayos rin ang lahat pagdating ng panahon. Ayaw ko naman kasi na marami nga akong pera pero hindi naman ako masaya sa pamilya ko. Di ba? Darating ang araw, matatanggap ka rin ng pamilya ko. Dyan ako naniniwala mahal ko,” sabi ni Linea habang nakangiti. “Oo nga pala, mahal ko. Napakapag-desisyon ka na ba tungkol sa sinabi ko sa iyo noong nakaraan?” tanong ni Luis kay Linea. Balak kasi ni Luis na itanan si Linea. Pupunta sila sa Maynila para doon maghanap ng trabaho at doon na rin nila naiisipan na magsimula bilang pamilya. Gusto naman ni Linea ang ideya na iyon, kaya lang ay malaki ang kapalit noon kapag iyon ang pinili niya. Maiiwan niya ang pamilya niya sa barrio nila. Magagalit ang kanyang pamilya dahil nangako naman siya noon sa kanila na hindi siya gagaya sa Kuya Leo niya. Nangako din siya na siya ang mag-aalaga sa mga magulang niya. Kaya hindi pa siya sigurado kung sasama talaga siya kay Luis. “Mahal ko, pwede bang hindi muna tayo matuloy? Pag-iisipan muna natin iyan, baka kasi nabibigla lang naman tayo di ba? Ano sa tingin mo?” may kaba sa boses ni Linea dahil ayaw din naman niya na masaktan si Luis sa magiging desisyon niya. “Mahal ko, sigurado ka ba sa sinasabi mo? Di ba napag-usapan naman na natin na ito talaga ang gagawin natin? Bakit biglang nagbago ang isip mo?” may lungkot sa boses ni Luis. “W-Wala naman, nalulungkot lang ako para sa pamilya ko dahil alam kong kapag pinili ko ang sarili ko ay para na ring hindi ko sila nirerespeto,” may lungkot din sa boses ni Linea noong sinabi niya iyon. “Naiintindihan naman kita mahal ko. Kaya lang, hindi ba pwedeng sarili mo naman ang piliin mo ngayon? Ilang taon mo na rin naman silang sinusunod di ba? Bakit hindi mo naman ipaglaban kung ano ang gusto ng puso mo?” sabi ni Luis. “Iyon nga, kapag pinili ko ang sarili ko ngayon ay parang gumaya na rin ako sa Kuya Leo ko. Parang pinakita ko na rin sa kanila na wala akong kwentang anak,” malungkot na sagot ni Linea. “H-Hindi naman ibigsabihin na pinili mo ako, wala ka nang kwenta eh. Sadyang pinili mo lang talaga kung saan tingin mo ay masaya ka. Di ba?” may pag-asa sa mga mata ni Luis na saba ay magbago ng isip ang kanyang kasintahan. “Oo, alam ko naman iyon mahal ko. Kaya lang, hindi ko naman maiiwasan na hindi isipin iyon. Sana ay naiintindihan mo ako. Pasensya ka na,” malungkot na sagot ni Linea. “Ganito na lang mahal ko. Bukas ng madaling araw, kapag nandito ka sa tagpuan natin ay sasama ka talaga sa akin. Kung hindi naman, ayos lang sa akin. Irerespeto ko ang desisyon mo,” sabi ni Luis. “B-Bukas na rin ba tayo aalis?” kabadong tanong ni Linea. “O-Oo sana mahal ko, kung sasama ka sa akin. Huwag ka mag-alala, kung hindi naman ay ayos lang sa akin. Naiintindihan ko na sobrang mahal mo lang ang mga magulang mo kaya hindi mo ako pipiliin. Pero, mas gusto ko naman na iyon kaysa ibang lalaki ang dahilan kung bakit ayaw mong sumama sa akin. ‘Di ba?” paliwanag ni Luis. “Sige, pero aalis ka pa rin bas a barrio kahit na hindi mo ako kasama?” tanong ni Linea. “Oo, gusto ko kasing patunayan sa mga magulang mo na kaya kitang buhayin. Bigyan lang nila ako ng sapat na oras, ipapakita ko sa kanila na kaya ko rin namang makipagsabayan sa Sir Paul Menario na iyon, mahal ko.” Dahil sa sinabi ni Luis ay nalungkot si Linea. Hindi niya akalain na ganoon na pala ang iniisip ni Luis ngayon. Para naman kasi sa kanya, naniniwala siyang kaya ni Luis na pantayan si Sir Paul Menario. Kaya lang, hindi pa iyon ngayon dahil dadaan pa ito sa mahabang proseso. Pinangako ni Linea sa sarili niya na kahit naman anong mangyari ay nasa likod lang siya ni Luis. Ngayon, ang malaking tanong sa kanyang isip eh kung sasama ba siya dito o hindi.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
159.4K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
128.7K
bc

DELA COSTA EMPIRE SERIES 1: DEBT

read
12.4K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
97.1K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.9K
bc

His Obsession

read
74.4K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook