Kinaumagahan pagkatapos noon ay hindi pa rin nagpapansinan sina Beth at Isidro. Galit na galit pa rin si Isidro. Hindi nga siya umuwi sa kanila dahil sa galit na nararamdaman niya sa kanyang asawa. Nakita na lang ni Beth na kakauwi lang ng kanyang asawa pagkagising niya.
‘’Oh, bakit ngayon ka lang umuwi? Hinihintay kita kagabi pero wala ka naman. Nakatulog na ako sa kakahintay ko sa iyo. Saan ka ba galing?’’ nagtatakang tanong ni Beth pero malumanay niya lang ýong sinabi.
Alam niya kasi na galit na naman ang kanyang asawa kaya sobrang maingat na siya sa kanyang sinasabi.
‘’Aba, talagang tinatanong mo pa ako kung saan ako galing? Gusto mo talagang malaman? O siya, hinanap ko si Linea! Hinanap ko ang anak mo dahil kailangan natin siya!’’ sigaw ni Isidro sa asawa.
‘’Isidro, baka naman pwedeng huwag mo nang hanapin pa ang anak natin. Hayaan mo na lang siyang maging masaya. Pwede ba? Pagmamakaawa ni Beth sa kanyang asawa.
‘’Hindi! Hindi ko hahayaan na ganoon ang mangyari. Hindi ka talaga nag-iisip ano? Sinabi ko na ngang si Linea lang ang makakapag-angat sa atin sa kahirapan! Ngayong wala na ang anak mo sa poder natin, paano na kapag pumunta rito si Sir Paul Menario? Paano mo masasabi sa kanya ang tunay na nangyari?’’ sabi ni Isidro, galit na galit.
‘’Hindi ko alam. Basta, po-protektahan ko ang anak mo kahit na anong mangyari. Ikaw, hindi mo ba po-protektahan ang sarili mong anak? Isidro naman!’’ nagmamakaawa na si Beth.
‘’Paano ko siya po-protektahan kung dahil naman sa pag-alis niya ay mawawalan naman tayo ng buhay? Hindi mo alam kung gaano ka-delikado si Sir Paul Menario kapag hindi niya nakuha kung ano man talaga ang gusto niya!’’ sigaw ni Isidro.
‘’O, alam mo na palang delikado pagkatapos ibibigay mo pa ang anak natin sa kanya? Ano ka ba naman!’’ inis na sagot ni Beth.
‘’Magiging delikado lang naman ang buhay niya kung hindi siya susunod kay Sir Paul Menario. Masunurin naman talaga ang anak mo noon. Hindi ko lang alam kung anong nangyari sa anak mo ngayon,’’ paliwanag pa ni Isidro. Ramdam na ramdam pa rin ang inis sa boses niya.
Hindi na lang nagsalita si Beth. Nagluto na lang siya nang makakain nila. Habang ginagawa niya iyon ay todo pa rin siya sa pag-iisip kung nasaan na nga ba talaga ang kanyang anak ngayon.
Naku Diyos ko, sana ay nasa mabuting kalagayan talaga ang anak ko ngayon. Sana naka-uwi sila sa Maynila nang matiwasay. Hindi ko kasi talaga mapapatawad ang sarili ko kung may mangyaring masama sa kanya roon. Sana alagaan siya ni Luis. Hindi ko man alam kung magkikita pa kami ng anak ko pero patnubayan Ninyo po siya.
Sa kabilang banda ay inaayos na nina Linea at Luis ang kanilang apartment. Ngayon ay kausap nila ang landlady ng apartment kung saan sila titirang dalawa. Mabait naman ýong landlady sa kanila. Nasa edad 40 na ito. Ngayon ay iniisa-isa niya sa mag-nobyo ang mga pwede at hindi pwedeng gawin sa apartment.
‘’O, alam niyo na ha? Nasabi ko naman na halos lahat ng gusto niyong malaman. Aalis na ako. Kung sakali man na may kailangan pa kayo sa akin, magsabi lang kayo. nasa taas lang naman ako,’’ nakangiting sabi ni Evette.
‘’Salamat po, Maám Evette. Huwag po kayong mag-alala. Aalagaan naman po namin ýong apartment na ito. Aalalahanin po namin kung ano man po ýong sinabi ninyo sa amin. Maraming salamat po,’’ sabi ni Luis pagkatapos ay ngumiti kay Evette.
‘’Ay, grabe naman ýong Maám Evette. Ate E na lang ang itawag ninyo sa akin dahil iyon naman ang tawag sa akin ng mga nakatira dito,’’ nakangiting sabi ni Evette sa kanila.
‘’Sige po, Ate E. Salamat po,’’ sabi ni Luis at umalis na si Evette roon.
Pagkaalis ni Evette ay umupo muna sina Luis at Linea dahil pagod na pagod na silang mag-ayos. Habang nakaupo sila ay nag-usap ang dalawa tungkol sa apartment na titirhan nila. May pangamba kasi si Linea sa pagtira nila sa apartment na iyon.
‘’Mahal ko, sigurado na ba tayo rito? Hindi na tayo lilipat?’’ tanong ni Linea sa kanyang nobyo.
‘’Ha? Hindi na. Bayad ko na ito. Saka, maayos naman dito ah? Hindi mo ba nagustuhan itong nabili ko para sa atin?’’ tanong ni Luis, nalulungkot siya pero hindi niya pinahalata sa nobya dahil ayaw niyang mag-isip ito ng kung anu-ano.
‘’Ah, eh gusto ko naman. Kaya lang, may iba kasi talaga akong nararamdaman sa lugar na ito. Para bang may kulang na hindi ko malaman sa ngayon kung ano iyon. Basta,’’ paliwanag ni Linea kay Luis.
‘’Talaga namang kulang pa ang mararamdaman mo sa ngayon dahil konti pa lang ang gamit natin dito. Nag-uumpisa pa lang tayo, di ba? Hayaan mo, darating naman ang araw na giginhawa ang buhay natin eh. Kailangan lang talaga nating magtiis sa ngayon,’’ sabi ni Luis.
Ngumiti na lang si Linea sa kanya at hindi na nagsalita pa. Hindi niya talaga alam sa kanyang sarili kung bakit ganoon ang nararamdaman niya. Gusto naman niya na kasama niya si Luis pero bakit parang kabado siya ngayon dito?
Diyos ko. Ikaw na po ang bahalang gumabay sa amin ni Luis. Sana po ay maging maayos talaga ang buhay namin dito sa Maynila. Alam ko naman po sa sarili ko na sasamahan ko siya sa kahit anong laban niya rito. Iyon nga lang po, iba talaga ang nararamdaman ko. Sana ay pawalain Niyo po ito.
‘’Tara na, mahal ko. Tama na ang pahinga. Napapahaba na ang oras nang pag-upo natin eh. Maglinis na ulit tayo ng apartment at baka mapagalitan agad tayo ni Maám Evette kapag hindi agad natin ito inayos,’’ yaya ni Luis kay Linea.
‘’A-Ah, oo. Sige. Tara na. tama ka, marami pa nga tayong lilinisin dito. Sana, kapag naayos na ang lahat ay maging kumportable na ang buhay natin,’’ nakangiting sabi ni Linea.
‘’Oo naman. Magiging maayos ang buhay natin dito. Gagawin ko ang lahat para mangyari iyon. Ako na ang bahala sa ating dalawa ngayon. Pangako, hinding-hindi kita iiwan, mahal ko.’’