TOR’s POV Masayang masaya si Cha. Kitang – kita ko mula sa malayo. Papunta kami ng library ni Janice. Isasauli ko ang libro na aking hiniram kanina. Kahit hindi ko kailangan ay humihiram ako. Gusto kong matyempuhan si Cha. Kaya lang kapag nakita niya ako ay ang ibang kasamahan niya ang pinapakisuyuan niya. Akala ko sa kanya ko na maiaabot ang libro pero si Mel ang humarap sa akin. Kausap niya si Brent at nagpapasalamat sa mokong na iyon. Ang yabang niya, akala niya ay uurungan ko pa siya? Huwag lang kaming magkasalubong dahil may kalalagyan siya sa akin. Kay Mel ako kumukuha ng impormasyon. Hindi na nagkaka-usap ang mga kapatid ko at si Cha. Umiwas na si Cha sa pamilya namin kung kailan asawa ko na siya. Wala naman relasyon si Cha at Brent at hindi nila ito kasabay na kumakain. Nalin

