CHA’s POV “Kumusta ang application mo pasa sa scholarship?” salubong ni Mel. Seryoso ang mukha ko pero ng makita ko na lumungkot ang mukha niya ay bigla akong ngumiti. “Natanggap ako, Mel! Full scholarship at may allowance pa!” halos magtatalon ako sa tuwa. Kaming dalawa ni Mel ang nagsasaya. “Masaya ako para sa iyo, Cha!” nagyakapan pa kaming dalawa. Naramdaman ko na unti-unti itong bumibitaw. “Si Tor,” sambit nito. Napalingon naman ako kahit hindi dapat. Nakita ko kasama niya ang babae. Lagi na niya itong kadikit. “Tara na, Mel!” yaya ko rito para pumasok na kami sa library. Malapit na matapos ang school year. Magpapasalamat din ako kay Brent dahil sinabi niya na sasabihin niya sa administrator. “Brent,” wika ko rito. Nasa counter ito. “thank you sa tulong mo, natanggap ako

