CHA’s POV Paano ba itatago ang hiya? Pasaway itong si Tor, kung anu ano ang pang-aasar sa akin. Gusto pang gawin akong premyo. Magkakampi nga kami kahit alam naman niya na matitira ko ang bola ay lalapit pa sa akin at yayakap kaya madalas talo kami dahil yung dapat na post niya ay bakante dahil nasa tabi ko siya. “Palitan kaya tayo ng kakampi? Taga-habol na lang kami ng bola. Lagi na lang kaming talo.” Reklamo ko na sa mga kaibigan ko. “Hon, ayaw mo na ba akong partner?” natatawang tanong pa nito. “Obvious ba? Patalo ka. Hindi bola ang binabantayan mo e. Lagi ka na lang nakadikit sa akin.” Sagot ko sa kanya. Muli kong binalingan sina Cassie at Callie. “Magpalitan tayo ng kakampi. Ayaw kong kami ni Tor e.” Hindi pa nakakasagot ang dalawa, tinawag na kami ni Tita Bea. “Umahon na m

