TOR’s POV Walang may alam sa ginawa namin ni Cha sa may dalampasigan. Siya ang first kiss ko at alam ko na ako rin ang kanyang first kiss. Hindi naman siya clingy noon masyado kay Mark. Minsan nakita ko na hahalikan siya sa pisngi ni Mark pero hindi natuloy dahil napigilan ko agad. Nag-ho-holding hands sila pero never naka-akbay. Alam ko naman na hindi komportable noon si Cha kay Mark. Mabuti na lang din at naghiwalay agad sila kaya nagkaroon ako ng pagkakataong muli. “Galing kami sa tabing dagat, hindi namin kayo nakita.” Salubong sa amin ni Callie. “Naglakad-lakad kami at naupo sa may buhanginan. Kayo pala iyong nagpunta roon. Naulinigan namin kayo pero hindi na namin kayo hinabol.” Sagot dito ni Cha. “Baka si Kuya ang nagsabi na huwag na kaming pansinin,” binalingan naman ako ng

