CHA’s POV Maganda ang nangyari sa birthday ng magkakapatid. Nagkita-kita kaming magkakaibigan. At dahil nagbabakasyon din sila rito sa probinsiya, napagkasunduan namin na mag-outing muna. Bago magsibalik kung saan man sila ngayon tumutuloy. Kasama rin si Alex sa niyaya. Tingin ko ay okay na sila ni Tor kahit hindi sila nag-usap ng masinsinan. Wala naman dapat problema sa kanilang dalawa. Nagkaroon lang ng pader dahil sa nangyari noon at alam ko na ang asawa ko ang may mali sa part na iyon. Nagselos siya ng wala sa lugar. Pinagbintangan pa niya si Alex. Alam ni Alex na siya lang ang gusto ko, si Tor lang. Maaga kaming gumising ngayon ni Tor. Mamamalengke kaming dalawa para sa pagkain namin sa outing na sinasabi. Pero ang totoo ay sa amin lang kami. Sa tapat ng bahay namin na part ng

